LoveLaban 2 Festival, binuksan na sa QC Circle ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lalarga na ngayong araw ang ikatlong Pride Festival sa lungsod Quezon para sa LGBTQIA+ Community na tatawaging Love Laban 2 Everyone.

Maaga pa lang, dinadagsa na ng mga tao ang Quezon City Memorial Circle para saksihan ang iba’t ibang aktibidad.

Itatampok sa Festival ang Pride Expo sa loob ng Circle, Food and Art Market sa kahabaan ng Matalino Street; Pride March at ang Pride Night.

Sa abiso ng Pamahalaang lungsod, sisimulan ang parada mamayang hapon mula sa Tomas Morato at dadaan ng Timog at Quezon Avenue.

Bukod pa dito ang isa pang parada na magmula sa Matalino St. at magsasalubong sa Elliptical Road na susundan ng konsyerto sa Memorial Circle.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us