Pinag-iingat ngayon ng Land Transportation Office ang publiko laban sa mga scammer na nagpapanggap na mula sa ahensya gamit ang pekeng LTMS (Land Transportation Management System) Portal.
Sa inilabas na abiso ng LTO, sinabi nito ang nagurang scam ay karaniwang nagsisimula sa isang text message na naglalaman ng pekeng abiso ukol sa traffic violation na may kalakip na link.
Ang link na ito ay magdadala sa inyo sa isang pekeng LTMS Portal kung saan mabibiktima na ang isang indibidwal.
Paglilinaw ng ahensya, ang LTO ay hindi nagpapadala ng text message na naglalaman ng link para sa traffic violation.
Paalala naman nito sa publiko, huwag pindutin ang mga Link sa ganitong uri ng Text Message.
Iwasan rin ang mga pekeng website ay may kasunod na redirection sa isa pang pekeng site kung saan makikita ang mga payment options tulad ng mga bangko at e-wallets.
Mahalaga rin aniyang bantayan ang Personal na Impormasyon at huwag ibahagi ang anumang financial accounts sa mga scammer.
Upang makatiyak, pinayuhan ang publiko na sumamggini lamang sa opisyal na website ng LTMS Portal: https://portal.lto.gov.ph/ords/f?p=1200:HOME::::::
Kung makatanggap din ng kahina-hinalang mensahe, agad na i-report ito sa LTO AksyON THE SPOT +63 929 292 0865. | ulat ni Merry Ann Bastasa