Magkahiwalay na sunog sumiklab sa Las Piñas at Parañaque City ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumiklab sa isang residential area sa San Jose St., Brgy. Ilaya sa Las Piñas City ang unang sunog na tumupok sa mga kabahayang pawang gawa sa light materials.

Bago mag-10:56 kaninang umaga, sinabing nagsimula ang apoy na agaran namang itinaas sa ikalawang alarma pagsapit ng 11:16 AM.

Walang namang napaulat na nasaktan sa naganap na sunog na naapula pasado 1:17 ngayong hapon.

Samantala, isang sunog din ang naganap sa Parañaque City halos katabing barangay lamang ng pinangyarihan ng unang sunog sa Las Piñas.

Itinaas ang unang alarma sa nasabing sunog 11:46 kaninang umaga na agad ding itinaas sa ikalawang alarma makalipas lamang ang sampung minuto.

As of 12:40 ng tanghali, ayon sa Bureau of Fire Protection, fire under control na ang naganap na sunog sa nasabing residential area sa Tramo, Parañaque City at wala ring napaulat na nasaktan sa insidente.

Inaalam pa sa ngayon ng BFP ang sanhi ng dalawang magkahiwalay na naganap na sunog. | ulat EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us