Mahigit 100,000 kwalipikadong pulis, makatatanggap ng Combat Inventive at Combat Duty Pay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matatanggap bukas ng mahigit 100,000 kuwalipikadong pulis ang kanilang Combat Incentive Pay (CIP) at Combat Duty Pay (CDP) para sa buwan ng Abril ngayong taon.

Base sa abiso mula sa Philippine National Police (PNP) Finance Service, aabot sa 116, 079 na mga pulis ang makatatanggap ng kanilang CIP habang 166,138 na mga pulis ang makatatanggap ng kanilang CDP.

Nabatid na nakatatanggap ng fixed rate na ₱3,000 na CDP ang mga kuwalipikadong pulis habang ang arawang CIP naman ng mga ito ay ₱300.

Ang CIP ay dagdag na base pay para sa mga pulis na aktibo sa mga counter-insurgency operation, habang ang CDP naman ay special allowance para sa mga pulis na kabilang sa actual Police operations.

Bukod dito, ayon pa sa PNP Finance Service, matatanggap din ng 216,303 na mga pulis ang kanilang rice subsidy sa Miyerkules para sa buwan ng Mayo.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us