Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), at Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) Hub sa Angeles City, Pampanga kagabi.
Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, inilunsad ang operasyon sa bisa ng search warrant matapos mapag alaman na ang POGO hub na Lucky South 99 sa Grand Palazzo Royale, ay sangkot umano sa human trafficking.
Dito’y nahuli ng mga awtoridad ang 29 na Pilipino at 157 foreign nationals na kinabibilangan ng 126 na Chinese, 23 Vietnamese, 4 Malaysians, 4 Myanmar national at 1 Korean.
Habang naligtas naman ang isang Chinese kidnap victim.
Sa ngayon, sumasalang ang mga nahuli sa immigration biometrics. | ulat ni Leo Sarne