Malugod na tinanggap ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga bagong talagagang Defense and Armed Forces Attaché (DAFA) ng AFP sa kanilang courtesy call sa Camp Aguinaldo kaninang umaga.
Sila ay sina incoming DAFA to Russia Col. Franklin Fabic PA; DAFA to Spain Col. Joseph Jeremias Cirilo Dator PA (GSC); DAFA to Indonesia Col. Emerson Delos Santos PN(M) (GSC); at DAFA to Japan Captain Peter Tolentino III, PN (GSC).
Sa pagpupulong, nagpasalamat din si Gen. Brawner kina outgoing DAFA, Col. Arthur Romanillos Jr. PA, at Commodore Salvador Henry Quinto PN, sa kanilang mahusay na serbisyo sa kanilang mga nakalipas na assignment.
Sa kanyang pahayag, binigyang diin ni Gen. Brawner ang mahalagang papel ng mga DAFA sa pasgsulong ng “mutual understanding” at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at ibang mga bansa sa “strategic level”. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photo by SSg Ambay/PAOAFP