Nananawagan ngayon ng tulong sa publiko ang mga biktima ng isang sindikato na nagpapakilalang mga kasambahay pero kawatan pala.
Sa isang panayam sa Quezon City ng mga biktima, partikular na tinuturo nila ang suspek na si Maricar Kian Watamama na nasa likod ng mga serye ng pagnanakaw sa kanyang mga naging amo sa Metro Manila.
Modus umano ni Watamama na ang mga naghahanap ng kasambahay sa social media.
Pumapasok din umano siya sa mga lehitimong ahensya gaya ng PH Maid Agency para makakuha ng bibiktimahin.
Pinakahuli umanong nabiktima ng suspek na si Maricar Kian Watamama ay nangyari noong June 5 sa makati kung saan aabot sa P200,000 na alahas ang natangay.
Nang madiskubre ang pangyayari, kaagad na naghain ng reklamo ang nabiktima nito sa Makati Prosecutors Office.
Sa pagsisiyasat naman ng PNP, hindi nila natunton ang suspek sa mga nakalagay na address nito sa Mmaguindanao, Davao at Antipolo.
Iba-ibang pangalan din umano ang ginagamit ng miyembro ng sindikato sa kanilang binibiktimang mga may-ari ng bahay.
Umaapela ang PNP sa publiko na kaagad ipagbigay sa kanila ang anumang impormasyon laban sa suspek. | ulat ni Merry Ann Bastasa