Customize Consent Preferences

We use cookies to help you navigate efficiently and perform certain functions. You will find detailed information about all cookies under each consent category below.

The cookies that are categorized as "Necessary" are stored on your browser as they are essential for enabling the basic functionalities of the site. ... 

Always Active

Necessary cookies are required to enable the basic features of this site, such as providing secure log-in or adjusting your consent preferences. These cookies do not store any personally identifiable data.

No cookies to display.

Functional cookies help perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collecting feedback, and other third-party features.

No cookies to display.

Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics such as the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.

No cookies to display.

Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.

No cookies to display.

Advertisement cookies are used to provide visitors with customized advertisements based on the pages you visited previously and to analyze the effectiveness of the ad campaigns.

No cookies to display.

Mga mambabatas, nagbabala kontra vape products

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala si dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin sa publiko laban sa paggamit ng vape products.

Kasunod ito ng pagkamatay ng isang 22 taong gulang na indibidwal na namatay dahil sa atake sa puso  bunsod ng matinding pinsala sa baga na iniuugnay sa paggamit ng vape.

Sabi ng mambabatas, dapat ay magsilbi itong eye opener sa publiko lalo na sa mga kabataan sa masamang epekto ng vape sa kalusugan.

“It is alarming. We have seen reports that children ages 13 years old are already using e-cigarette and vapes,” sabi ni Garin.

Sabi ni Garin, hindi alternatibo ang vaping sa paninigarilyo at hindi ito mas ligtas na gamitin dahil maaari pa rin ito mauwi sa tinatawag na EVALI o e-cigarette, o vaping, product use associated lung injury.

Ang EVALI ay isang serious medical condition kung saan ang mga baga ng isang tao ay napinsala mula sa mga sangkap na nilalaman ng mga e-cigarette at mga produkto ng vaping, ayon sa Yale Medicine.

Pinagpapaliwanag naman ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers ang mga vape manufacturers kasama ang kumpanya na Flava sa tahasan nilang paglabag sa Vape Law.

Partikular dito ang pagkakaroon ng Flava ng flavored variants na mahigpit na ipinagbabawal sa batas dahil sa nagagamit ito pang akit sa mga kabataan para gumamit ng vape.

Batay sa mga imbestigasyon ng Kamara, lumalabas na mayroon din tax evasion ang naturang kumpanya.

Ang mas ikinababahala ni Barbers ay ang mga ulat na nalalagyan na rin ng liquid shabu at iba pang ipinagbabawal na gamot ang vape juice na maituturing na paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002.

“If this is now being done, serious charges must be filed against these violators and hefty fines imposed against them. Adding liquid shabu and other addictive substances is a serious violation of RA 9165, the Dangerous Drugs Act of 2002. Any company, manufacturer, trader or seller who is found to be doing this will face the full might of RA 9165 and will get additional heavier penalties”, punto ng mambabatas.

Nagpaalala din si Barbers sa mga kabataan, na huwag nilang isiping mas ligtas gamitin ang vape kaysa paninigarilyo dahil mayroon itong seryosong banta sa kalusugan.

“We in congress will strictly monitor these products and will be actively engaged even in ways that they are being marketed. It is our duty to protect the youth and the people. It is never “cool” to smoke nor vape” sabi ni Barbers | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us