Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang proteksyon sa mga dating rebelde na maga-avail ng amnesty program ng Pangulo.
Ang pagtiyak ay binigay ni PNP Acting Deputy Chief for Operations, PLtGen. Michael John Dubria sa Ceremonial signing ng kasunduan sa pagitan ng ng National Amnesty Commission (NAC) at PNP kaninang umaga.
Sinabi ni Dubria na sa ilalim ng kasunduan, gagalangin ng PNP ang provisional safe conduct pass na ibibigay ng NAC sa mga aplikante sa amnestiya at “immune” sila sa pag-aresto.
Nilinaw naman ni Dubria, na ang “immunity” ay para lang sa mga kaso na saklaw ng probisyon ng amnestiya tulad ng rebelyon at hindi kasama ang mga ibang uri ng krimen kung saan may outstanding warrant of arrest ang dating rebelde.
Sinabi naman ni National Amnesty Commission, Chairperson Atty. Leah Tanodra Armamento, na kung kung natatakot magpunta ng personal ang isang rebelde para mag -apply ng safety conduct pass ay maaari nila itong i-utos sa sinumang kaanak o authorized representative.
Tiniyak pa ni Armamento na handa silang magbigay ng legal assistance sa mga dating rebelde na interesado sa amnestiya sa panahon na mag apply sila. | ulat ni Leo Sarne