Mga naging tagumpay at peace and order situation sa bansa, iniulat ng PNP kay PBBM sa isinagawang Command Conference sa Kampo Crame kahapon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging tagumpay nito sa ikalawang bahagi ng 2024 partikular na ang pagbaba ng mga naitatalang krimen sa bansa.

Kabilang ito sa mga iniulat ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang pangunahan nito ang Command Conference sa hanay ng Pulisya sa Kampo Crame kahapon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, maliban sa pagbaba ng krimen ay inilatag din ng liderato ng PNP sa Pangulo ang sitwasyon ng peace and order sa bansa gayundin ang mga nakahanay na proyekto ng PNP sa hinaharap.

Batay sa datos ng PNP mula January 1 hanggang May 17 ng taong ito, bumaba ang index crims sa 18.3 percent o katumbas ng 2,897.

Nasa 12,937 ang ibinaba nito kumpara sa 15,834 na naitalang index crime sa kaparehong panahon noong isang taon.

Ayon kay Fajardo, naging epektibo ang sama-samang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan hanggang sa mga barangay upang masawata ang krimen sa mga komunidad.

Kasunod nito, binigyang-diin ni Fajardo na ang ginawang Command Conference ng Pangulo ay normal na pangungumusta lamang at hindi ito maituturing na “Loyalty Check.”  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us