Muling nagbabala si PNP Chief Police Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga pulis na nagbibigay proteksyon sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator o POGO sa bansa.
Ayon kay Gen. Marbil, ang sinumang pulis na mapapatunayang sangkot sa ganitong gawain ay mahaharap sa kaukulang parusa.
Pinaaalalahanan niya rin ang mga pulis na sumunod sa batas at panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng integridad, lalo na sa usapin ng POGO.
Kamakailan lamang ay pinaigting ng PNP ang kampanya laban sa illegal na operasyon ng POGO na nagresulta sa pagpapasara ng ilan sa mga ito sa pamamagitan ng coordinated efforts ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at PNP-Anti Cybercrime Group (ACG).
Tiniyak din ng PNP Chief sa publiko ang kanilang patuloy na pangakong mapanatili ang kaayusan at seguridad sa bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PNP-PIO