Narekober ng mga tropa ng 1003rd Infantry Brigade ng 10th Infantry (Agila) Division ang naka-imbak na armas ng NPA sa Barangay Lumintao, Quezon, Bukidnon noong Sabado.
Dahil sa impormasyon mula sa mga lokal na residente, narekober ng mga sundalo ang 8 M16A1 rifles, 1 M653 rifle, 2 M14 rifles, 3 AK-47 rifles, mga magasin, bala at granada na pag-aari ng napahinang Guerilla Front 57 ng Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).
Ayon kay, 1003rd Infantry Brigade Commander Brigadier General Marion Angcao, ang pagkaka-kumpiska sa armas ng kalaban ay nangangahulugang malapit na ang katapusan ng teroristang grupo.
Binati naman ni 10th Infantry Division Commander Major General Allan Hambala ang mga tropa sa matagumpay na operasyon, na aniya’y resulta ng pakikipagtulungan ng mga mamayan sa militar upang mawakasan ang insurhensya sa kanilang komunidad. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of 10ID