Umaabot na sa 13.6 bilyong pisong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Philippine National Police sa kanilang pinaigting na anti-illegal drugs operation sa loob ng unang 6 na buwan ng 2024.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, iniulat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. na ito’y binubuo ng 1,779,736 gramo ng shabu, 3,599,042 gramo ng marijuana, 4,951, 655 gramo ng marijuana plants, 27,620 gramo ng cocaine at 4,177 gramo ng ecstacy.
Ito’y resulta ng 23,515 operations ng PNP mula Enero 1 hanggang Hunyo 21.
Sa mga babanggit na operasyon, 28,804 na mga suspek ang naaresto at nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Leo Sarne