Ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-aaral sa pagkakaroon ng legal department ng Philippine National Police (PNP), bilang bahagi ng effort ng administrasyon na protektahan ang police officers laban sa harassment at mga akusasyon.
Sa ikalawang PNP command conference sa Camp Crame, sinabi ng Pangulo na ang bubuuing legal department ang magsisilbing defense council ng mga pulis na maa-akusahan ng anomang reklamo.
Ang problema kasi, ayon sa Pangulo, kahit nahuli na sa akto ang kriminal, dahil magaling ang abogado nito, nawawalan ng laban ang mga pulis.
“Pag-aralan natin nang mabuti because ginagawang weapon, wine-weaponize ‘yung kaso. So, kapag nahuli ‘yung kriminal, huling-huli na, pero magaling abogado tapos walang kalaban-laban naman ‘yung ating pulis,” he added.
Sabi ng Pangulo, sakaling maisakatuparan ang legal department na ito, mayroon nang matatakbuhan ang mga ito, at hindi na sila kailangan pang gumastos.
“We’ll create an office, the legal office within the PNP who will be the defense council of any policeman who is charged with whatever complaint, crime. Mayroon at mayroon silang tatakbuhan kagad na abogado just to give them advice and it will be internal, so hindi na sila magbayad,” -Pangulong Marcos said.
Pagbibigay diin ng Pangulo, hindi naman maaaring balewalain na lamang ang kapakanan ng mga pulis na masasangkot sa reklamo, lalo na iyong mga wala namang ranggo, ginagampanan lamang naman ang kanilang tungkulin, at walang kakayahang mag-avail ng legal services.
“They can afford a lawyer so for one week tapos, tapos na. So we have to provide that kind of protection para naman ‘yung mga pulis natin, malakas ang loob na gawin ‘yung trabaho nila. Kahit tama ‘yung ginagawa nila, hinaharass sila,” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan