Inenganyo ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. Ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) na ipasa ang dalawang nalalabing lehislasyon bago idaos ang unahang regional election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Mayo ng susunod na taon.
Ito’y matapos tiyakin noong Martes ni Bangsamoro Parliament speaker Ali Pangalian Balindong kay Sec. Galvez na ipa-“fast track” nila ang pag-apruba sa Revenue Code at Indigenous Peoples’ Right.
Sa pakikipagpulong ni Balindong kasama ang mga miymebro ng Parliamento kay Sec. Galvez, nagbigay ito ng katiyakan na determinado ang BTA na maging maayos, tapat at mapayapa ang eleksyon sa BARMM sa 2025.
Iniulat naman ni Member of Parliament at Majority Floor Leader Sha Elijah Dumama-Alba, na nagsisilbi ding Minister of Interior and Local Government kay Galvez na ang nabanggit na dalawang hakbang ay sumasailalim sa Public consultation at nasa second-reading na.
Inaasahan aniya na maipapasa sa Setyembre o Oktubre ng taong kasalukuyan ang naturang mga panukala. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of OPAPRU