Sinisiguro ng national government na napaabutan ng tulong ang mga residenteng pinakaapektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni NDRRMC Director Edgar Posadas na nakapamahagi na ang gobyerno ng hygiene kits, family kits, at family packs.
Una na rin aniyang naihanda ng DSWD ang mga food at non-food relief items nito.
“Iyong mga prepositioned goods primarily by the DSWD, una po iyong mga lokal na pamahalaan ano.” -Posadas.
Ang Department of Health (DOH) naman aniya ang namamahagi ng facemask, laban sa ashfall.
Kaugnay nito, muling umapela ang opisyal sa mga residenteng apekado, sa Negros Oriental o Negros Occidental man aniya, na panatilihin ang pagsunod sa instruction ng kanilang local officials, upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
“Iyong success po ng ating response mechanism, kasali po kayo doon and please stay safe ano and we’d like to assure you, that your government is here to really provide, assist you in all your needs ano. Ang kailangan lang po ninyong gawin is really to follow iyong mga instructions – be safe.” -Posadas.| ulat ni Racquel Bayan