Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 354th Founding Anniversary ng lungsod, magdaraos ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng Mega Job Fair bukas.
Ito ay pangungunahan ng Makati Public Service Office na gaganapin sa Ayala Malls Circuit Activity Center simula mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Kabilang sa mga trabahong inaalok ay sales agent, housekeeping, encoder, store crew, payroll assistant, at iba pa.
Bukod sa mga oportunidad sa trabaho, tampok dito ang One-Stop-Shop service para sa mga serbisyo ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Social Security System (SSS), Pag-IBIG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Migrant Workers (DMW), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na magdala ng maraming kopya ng kanilang resume dahil maaaring ma-hire on-the-spot. | ulat ni Diane Lear