Pambu-bully ng China sa Pilipinas sa West hilippine Sea, sumusobra na – Sen. Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag ni Senador Joel Villanueva na sobrang kabastusan na ang sunod-sunod na pambu-bully ng China sa mga Pilipino sa loob mismo ng sariling teritoryo ng Pilipinas.

Giit ni Villanueva, klaro naman na sa Pilipinas ang Ayungin Shoal at kitang-kita na kung gaano ka-walang respeto ang China sa loob ng ating teritoryo.

Ipinahayag rin ng senador, na nakakabahala na bukod sa malalaki at mas advance na teknolohiyang ginagamit ng China Coast Guard sa pananakot sa ating Philippine Coast Guard (PCG) ay mas nagiging agresibo na rin ang kanilang mga pag atake.

Kaya naman, mahalaga aniyang magkaisa tayong mga Pilipino sa laban na ito.

Sinaluduhan rin ni Villanueva ang PCG, Armed Forces of the Philippines at maging ang mga mangingisda at mga sibilyan na buong tapang na nakikipagsapalaran sa West Philippine Sea araw-araw.

Pinuri at suportado rin ng mambabatas ang paghahain ng Pilipinas sa United Nations (UN) ng claim para sa extended continental shelf sa West Philippine Sea.

Aniya, ang proactive measure na ito ay hindi lang nagpapatibay sa ating historical claim sa Kalayaan Group of Islands kundi nagkukumpirma rin sa ating commitment na sumunod sa rule of law. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us