Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Manila RTC Judge Branch 3 Jaime Santiago bilang bagong director ng National Bureau of Investigation kapalit ni Medardo de Lemos.
Nanumpa si Santiago kay Executive Secretary Lucas Bersamin. Si Santiago ay dating judge ng Manila RTC branch 3. Nagtapos ito ng abogasya sa Manuel L. Quezon University noong 1993 habang nagsisilbi ito bilang pulis.
Pumasok ito sa Manila Police District noong 1979. Bago naging judge ay nagsilbi itong commander ng MPD special weapons and tactics.
Kilala rin si Santiago sa pagiging asintado into o pagiging sharpshooter na kung saan ay naisa-pelikula pa ang buhay nito na ginampanan ni Senador Bong Revilla Jr. | ulat ni Alvin Baltazar