Patong patong na kaso, kinakaharap ng 5 suspek matapos maaresto ng Taguig PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patong patong na kaso ang isinampa sa limang suspek na naaresto ng Taguig City Police Station sa Brgy. Pembo, sa Lungsod ng Taguig kahapon.

Naaktuhan kasi ng mga pulis habang nagsasagawa ng foot patrol na nagsusugal ang limang suspek ng Kara y Krus.

Matapos kapkapan doon na nadiskubre sa pag-iingat ng ilan sa mga suspek ang hinihinalang shabu at isang caliber 38 na baril na kargado ng anim na bala.

Umaabot naman sa 2.6 grams ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek na nagkakahalaga ng P17,680.

Bukod sa kasong illegal gambling at illegal possession of firearms and ammunition, nahaharap din ang limang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us