PCG, nagsagawa ng send-off ceremony para sa bumisitang sasakyang pandagat ng Korea Coast Guard Academy sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang send-off ceremony kahapon para sa bumisitang Korean Coast Guard Academy (KCGA) Training Vessel na ‘Badaro,’ na dumaong sa Port Area sa Maynila.

Pinamumunuan ang ‘Badaro’ ni Superintendent Park Jeong-rok kung saan lulan nito ang 44 na kadete, 39 na training ship officers, at 20 KCGA officers.

Dumating ang nasabing barko ng KCGA noong June 17 kung saan nagsagawa ito ng mga aktibidad na kaugnay sa capacity-building kasama na ang academic exchanges sa usapin ng maritime pollution at maritime security.

Kasama rin sa pagbisita ng KCGA ang mga tour sa mga pasilidad ng PCG tulad sa National Maritime Center at ang barkong BRP Melchora Aquino.

Nagsagawa rin ng mga joint training exercise at mga paligsahan sa palakasan tulad ng basketball, badminton, at tug-of-war na nagpatibay pa ng ugnayan ng dalawang maritime organization.

Ang pagbisitang ito ay nagpapakita, ayon sa PCG, ng kooperasyon ng dalawang bansa at layuning mapanatili ang kaligtasan at seguridad sa dagat.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us