Pinarangalan ng Philippine Air Force (PAF) ang 11 natatanging stakeholder na may malaking kontribusyon sa pagsulong ng misyon ng PAF.
Ito’y sa ginanap na Stakeholders’ Night Awarding Ceremony sa PAF Multi-purpose Gymnasium, Col Jesus Villamor Air Base in Pasay City noong Biyernes ng gabi, na pinangunahan ni PAF Commanding General, Lt Gen Stephen P Parreño.
Kabilang sa mga awardee ang sumusunod: Assistant Secretary Mary Ann Z. Dela Vega, Budget Preparation and Execution (BPE) Group, Department of Budget and Management; Ashanti Sales, Inc.; PTT Philippines Foundation, Inc.; Department of Health; SM Foundation, Inc.; Land Bank of the Philippines; Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA); ABS-CBN Foundation; San Miguel Corporation; Supreme Student Council Society of the Philippines; at Korea Aerospace Industries, Ltd.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Lt. Gen. Parreño na ang patuloy na tagumpay ng PAF sa pagpapahusay ng kanilang “operational capability” ay hindi makakimit kung hindi dahil sa pagsuporta ng kanilang mga stakeholder. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PAF