Nagsagawa ng sabayang pagsasanay ang mga tropa ng Philippine Marine Corps (PMC) at US Marine Corps (USMC) sa “Tactical Combat Casualty Care” (TCCC) na bahagi ng Marine Aviation Support Activity (MASA) para sa taong kasalukuyan.
Ayon kay PMC spokesperson Capt. Marites Alamil, ang TCCC na isinagawa noong Hunyo 12 sa Bonifacio Naval Station Grandstand, Taguig City, ay para masanay ang mga tropa na tumugon sa “Health emergencies” sa “real world combat scenario.”
Ang pagsasanay ay binuo ng tatlong bahagi, na kinabibilangan ng “care under fire”, “tactical field care”, at “casualty evacuation procedures”.
Dito’y nagsagawa ng simulation exercise ang mga kalahok, kung saan nagkaroon ng demonstrasyon ng tinatawag na “Valkyrie”, ang makabagong technique ng pagsalin ng sariwang dugo sa mga sugatang sundalo sa field.
Ang MASA activity sa taong ito ay sinimulan noong Hunyo 3 at tatagal hanggang Hunyo 21. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of PMC