PHIVOLCS, may paalala sa mga residenteng nakaranas ng ashfall kasunod ng pagsabog ng Mt. Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng ilang gabay ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para sa mga residente sa Negros na nakaranas ng ashfall kasunod ng pag-alburoto ng Mt. Kanlaon.

Ayon sa PHIVOLCS, dapat na tanggalin agad ang mga naipong abo sa bubong para maiwasan ang pagbagsak nito.

Pagkatapos maalis ang mga abo, linisin ang bubong at alulod ng tubig. Basain muna rin ng tubig ang mga bintana at pinto ng bahay at sasakyan bago ito linisin gamit ang sabon at maligamgam na tubig.

Ipunin ang mga abo at ilagay sa isang lugar na malayo sa daanan ng tubig para maiwasan ang pagbara.

Para sa mga may alagang hayop gaya ng baka at kambing, pinapayuhan ang mga itong hugasan ang mga damo bago ito ipakain sa mga alagang hayop.

Para naman sa sariling proteksyon, takpan ang ilong at bibig at proteksyunan ang mga mata habang naglilinis at pakuluang maigi ang tubig bago ito inumin.

Patuloy na nakatutok ang PHIVOLCS sa lagay ng Bulkang Kanlaon na nakataas na ngayon sa Alert Level 2. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us