Matagumpay na naisagawa noong Linggo, Hunyo 16, ang ikalawang multilateral maritime cooperative activity sa West Philippine Sea sa pagitan ng Philippine Navy ng Armed Forces of the Philippines (AFP), U.S. Navy, Japan Maritime Self-Defense Force, at Royal Canadian Navy.
Kalahok sa ehersisyo ang Gregorio del Pilar-class patrol ship, BRP Andres Bonifacio, U.S. Navy Arleigh Burke-class guided-missile destroyer USS Ralph Johnson, Japan Maritime Self-Defense Force Murasame-class destroyer JS Kirisame at Royal Canadian Navy Halifax-class frigate HMCS Montreal.
Itinanghal ng pagsasanay ang commitment ng AFP at mga kaalyadong pwersa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific Region sa pamamagitan ng pinalakas na kooperasyon.
Sinabi naman ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na ang pagsasanay ay nagpalakas sa kapabilidad at interoperability ng AFP sa mga kaalyadong pwersa upang epektibong matugunan ang “common maritime challenges” at sabayang itaguyod ang international law at rules-based international order. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photo by: US Navy MC1 Jamaal Liddell