PNP Chief, ipinanawagan ang respeto at pang-unawa sa paggunita ng Eid’l Adha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil sa lahat ng Pilipino na makiisa sa mga kapatid na Muslim sa paggunita ng Eid’l Adha nang may respeto at pang-unawa.

Kasabay ito ng pagpapaabot ng pagbati ng buong PNP sa mga kapatid na Muslim sa pag-obserba ng “Feast of Sacrifice”.

Sinabi ng PNP Chief, na ang okasyon ay nagsisilbing paalala sa lahat ng kabutihan ng pananampalataya, debosyon at sakripisyo.

Hinikayat ni Gen. Marbil ang lahat na pangatawanan ang paglikha ng isang “inclusive” at mapayapang lipunan. Ipinanalangin naman ng PNP Chief, na ang okasyon ay magdulot ng kapayapaan, prosperidad at kaligayahan para sa lahat. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us