Pinayuhan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang mga pulis na rumeresponde sa sakuna na ihanda ang kanilang mga pamilya ngayong tag-ulan.
Sa kanyang pahayag sa Flag-raising Ceremony sa Camp Crame kahapon, sinabi ni Marbil na kahit apektado ng sakuna ay tuloy-tuloy ang serbisyo-publiko ng mga pulis at mas higit silang kailangan ng taumbayan.
Dahil aniya dito ay kalimitang kailangang iwanan ng mga pulis ang kanilang pamilya para unahin ang pagresponde sa pangangailangan ng mga biktima.
Ayon sa PNP Chief, ang unang pagbibigay ng tulong sa ibang tao ay patunay ng magaling na pulis.
Kaya dapat aniya ay bago pa man dumating ang sakuna ay siguraduhin na ng mga pulis ang kaligtasan ng kanilang pamilya. | ulat ni Leo Sarne