Walang magiging epekto sa sariling inbestigasyon ng Office of the Solicitor General ang ibinabang preventive suspension ng Ombudsman laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ayon kay SolGen Menardo Guevarra.
Sa isang ambush interview sa Kamara, sinabi nito na tinitingnan nila ang paghahain ng iba pang mga kaso laban kay Guo maliban pa sa quo warranto case.
Ang epekto lang aniya ng preventive suspension ay mawawalan ng kontrol si Guo sa mga posibleng ebidensya na nasa kaniyang opisina.
“We’re looking at a different angle… So, walang effect, except probably, kung mawawalan si Mayor Guo ng control over the evidence that may be available in her office because she’ll be suspended preventively. And that’s the purpose of preventive suspension. Para maiwasan ‘yung pagtago niya ng ebidensya kung mayroon man siyang intention to do it,” sabi ni Guevarra.
Aminado naman ang opisyal na hamon sa quo warranto case ang isyu sa citizenship ng mayora dahil sa magkakaobang pahayag nito.
Ano Guevarra kailangan pa nila makakalap ng sapat na ebidensya para tumayo ang kaso.
“One obstacle regarding the direct quo warranto petition is a question on the citizenship. It cannot be attacked directly, so, we need to look at other legal remedies first..There seems to be a lot of conflicting information if not disinformation. So, we need to be able to discern what evidence will be competent enough to hold before a court of law,” dagdag ni Guevarra. | ulat ni Kathleen Forbes