Pulis na driver ng colorum na van, huli sa operasyon ng DOTr-SAICT sa Sampaloc Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Huli sa ikinasang operasyon ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang isang driver ng colorum na ilegal na bumibiyahe sa Sampaloc, Manila kaninang umaga.

Batay sa report ng SAICT, nang mahuli ang driver ng colorum na van napag-alaman na siya ay isang pulis na malapit ng magretiro sa serbisyo.

Makikita rin sa video na may mga sakay itong mga pasahero at naniningil pang pamasahe.

Agad namang tiniketan ng mga operatiba ng SAICT ang driver na pulis at pinagmumulta ng P200,000 dahil sa pamamasada ng kolorum na van.

Na-impound naman ang van ng pulis at dinala sa impounding area ng Land Transportation Office.

Nanawagan naman ang DOTr-SAICT sa publiko na huwag tangkilikin ang mga colorum, sa halip ay ipagbigay-alam ito sa kanila sa pamamagitan ng pagtawag sa DOTr Commuter Hotline 0920-964-3687. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us