Magkahiwalay na nakipagpulong si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kay Minister of National Defense of South Korea Shin Won-Sik, at Josep Borrell Fontelles, ang High Representative of the European Union for Foreign Affairs and Security Policy and Vice President of the Commission for a Stronger Europe in the World.
Ito’y sa sidelines ng 21st International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue sa Singapore.
Nagpasalamat si Sec. Teodoro kay Minister Shin sa suporta ng South Korea sa Pilipinas sa isyu sa West Phil. Sea; kung kung saan tumugon si Minister Shin na nais ng Korea na isulong ang mas malakas at “forward looking” na relasyong pandepensa at seguridad sa Pilipinas.
Ipinaabot naman ni Sec. Teodoro kay EU High Representative Borell na kailang ng Pilipinas ang suporta ng EU sa mga international fora.
Inihayag naman ng EU High Representative ang kahandaang tumulong ng EU sa Pilipinas sa larangan ng maritime security at cybersecurity. | ulat ni Leo Sarne
📷 Courtesy of DND