Iginiit ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na may legal na basehan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para i-adjust ang taripa sa mga iaangkat na bigas ng bansa.
Ipinaliwanag ni Escudero na pwede itong gawin ng Punong Ehekutibo habang naka-recess o walang sesyon ang Kongreso.
Sang-ayon ang Senate president sa inaprubahan ni Pangulong Marcos na 15 percent tariff cut sa bigas.
Ayon kay Escudero, pinakamalaking dahilan ng pagtaas ng infaltion ay ang pagtaas ng presyo ng pagkain, lalong lalo na ng bigas.
Kaya naman, kung mapapababa aniya ang presyo nito ay malaki rin ang magiging positibong epekto sa ekonomiya ng ating bansa
Samantala, sinabi ng Senate leader na oras na magbukas nang muli ang sesyon ng Kongreso ay maaari namang maghain ng panukalang batas ang sinumang mambabatas na tutol dito. | ulat ni Nimfa Asuncion