Ipinaskil na ng Simbahang Katoliko ang malaking tarpauline sa labas ng Minor Basilica Minore sa Quiapo, Maynila kaugnay ng pagtutol nila sa panukalang diborsyo.
Sa naturang tarpauline, kanilang iginiit na ang pinagsama ng Diyos ay hindi dapat pinaghihiwalay ng tao.
Noong nakaraang sesyon ng Kamara, inaprubahan nito sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Divorce Bill.
Sa ngayon, mainit itong pagdedebatehan sa Senado kung saan may mga senador ng nagpahayag ng kanilang paninindigan.
Sa pagbabalik sesyon ng Kongreso, inaasahang magiging mainit ang talakayan kung kaya’t ngayon pa lamang ay tinututulan na ito ng Simbahan. | ulat ni Mike Rogas