₱560-M halaga ng serbisyo at ayuda, dala ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Surigao del Sur ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik CARAGA ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair para sa ika-20 sigwada ng pinakamalaking serbisyo caravan ng Marcos Jr. administration.

Nasa ₱560-million na halaga ng serbisyo, programa at tulong pinansyal ang ipagkakaloob sa BPSF Surigao del Sur na pangungunahan ni Speaker Martin Romualdez mula ngayong araw hanggang bukas.

Nasa 90,000 benepisyaryo ang inaasahang maaabutan ng tulong ng pamahalaan mula sa iba’t ibang bayan ng Surigao del Sur.

Nasa 46 na ahensya ng pamahalaang nasyonal, dala ang 217 serbisyo ang ipinagkaloob sa mga Surigaonon kung saan ₱244-million ang halaga ng tulong pinansyal.

Tuloy-tuloy din ang payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigan sa Surigao del Sur, na may 64,000 benepisyaryo ng AICS sa kabuuang halaga na ₱216-million.

Mayroon ding pamamahagi ng scholarship sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Commission on Higher Education (CHED), maging livelihood programs.

Aabot naman sa 95,000 na kilo ng bigas ang ipapamahagi sa mga benepisyaryo ng programa sa probinsya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us