SP Chiz, kumpiyansang madaling makakapasa sa CA si bagong talagang DepEd Sec Angara

Wala ring nakikitang problema si Senate president Chiz Escudero sa napipintong pagharap ni Senador Sonny Angara sa CommissioP on Appointments (CA) bilang bagong talagang kalihim ng Department of Education (DepEd). Ayon kay Escudero, sa panig ng mga Senador, bibigyan nila ng kaukulang kurtesiya si Angara bilang current member ng Senado at malaman rin sa panig… Continue reading SP Chiz, kumpiyansang madaling makakapasa sa CA si bagong talagang DepEd Sec Angara

QCPD, pinag-aaralan kung magpapatupad ng liquor at gun ban sa araw ng SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Pinag-aaralan ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagpapatupad ng liquor ban sa Quezon City, bago at sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan, hinihintay na lamang nila ang direktiba mula sa Philippine National Police lalo na ang… Continue reading QCPD, pinag-aaralan kung magpapatupad ng liquor at gun ban sa araw ng SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Inaprubahang umento sa sahod, napapanahon – Sen. Jinggoy Estrada

Para kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, napapanahon at kailangang kailangan ang inaprubahang P35 na dagdag sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila. Ayon kay Estrada, makakatulong ang dagdag sahod sa gitna ng inflation o patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Gayunpaman, binigyang diin ng senador na mas mainam… Continue reading Inaprubahang umento sa sahod, napapanahon – Sen. Jinggoy Estrada

House panel chair, suportado ang hakbang ng DA na i-black list ang importers na may kaugnayan sa smuggling

Pinuri ni House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources Chair Brian Yamsuan ang hakbang ng Department of Agriculture (DA) na i-black list ang mga importer na sangkot sa pagpupuslit o smuggling ng agri products. Aniya, sa pagpupuslit pa lang ng isda ay pinapatay na agad ang kabuhayan ng maliit na mangingisda at inilalagay pa sa… Continue reading House panel chair, suportado ang hakbang ng DA na i-black list ang importers na may kaugnayan sa smuggling

CSC, hinimok ang job seekers na samantalahin ang job portal ng ahensya

Hinikayat ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles ang mga jobseeker na nais magtrabaho sa public sector na tuklasin ang mga oportunidad sa pamamagitan ng CSC Job Portal. Binigyang-diin ni Nograles ang importansya ng portal sa pag-aalok sa mga aspiring government employee ng detalyadong impormasyon at mabilis na pag-access sa job openings sa loob… Continue reading CSC, hinimok ang job seekers na samantalahin ang job portal ng ahensya

Suporta para sa bagong DepEd secretary, buhos mula sa mga mambabatas

Sunod-sunod na nagpaabot ng pagbati ang mga miyembro ng Kamara kay Senator Sonny Angara sa pagkakatalaga nito bilang bagong Education secretary. Ayon mismo kay House Speaker Martin Romualdez ang malawak na karanasan, dedikasyon at natatanging serbisyo publiko ni Angara ang bentahe nito sa pagiging ‘outstanding choice’ sa posisyon. “Throughout his career, Senator Angara has demonstrated… Continue reading Suporta para sa bagong DepEd secretary, buhos mula sa mga mambabatas

Philippine Red Cross, nakikiisa sa pagdiriwang ng National Blood Donors Month ngayong Hulyo

Nakikiisa ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagdiriwang ng National Blood Donors Month ngayong Hulyo. Ito ay upang bigyang-pugay ang milyon-milyong blood donors at mga organisasyong nagsisikap na matiyak ang sapat na suplay ng ligtas na dugo para sa mga Pilipino. Kaugnay nito, ipinapaalala ng PRC ang kahalagahan ng blood donation lalo na’t ayon sa… Continue reading Philippine Red Cross, nakikiisa sa pagdiriwang ng National Blood Donors Month ngayong Hulyo

DSWD, nakapamahagi na ng P1.37-B cash aid sa mga naapektuhan ng El Niño sa Cagayan Valley, Visayas at Mindanao

Umabot na sa halos P1.37 billion halaga ng cash assistance ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng El Nin̈o Phenomenon sa bansa. Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, partikular na pinagkalooban ng tulong ang mga magsasaka at mangingisda sa 17 bayan sa Cagayan Valley,… Continue reading DSWD, nakapamahagi na ng P1.37-B cash aid sa mga naapektuhan ng El Niño sa Cagayan Valley, Visayas at Mindanao

Mga panukalang makakatulong sa pagpapahupa ng tensyon sa WPS, tinukoy ni SP Chiz Escudero

Pinunto ni Senate President Chiz Escudero ang mga maaaring ipasang panukalang batas ng Senado na makakatulong para maibsan ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea. Ayon kay Escudero, tinatalakay nila sa Mataas na Kapulungan ang mga panukalang batas tungkol sa Maritime at Sea Lanes ng Pilipinas na naglalayong mapalakas ang ating… Continue reading Mga panukalang makakatulong sa pagpapahupa ng tensyon sa WPS, tinukoy ni SP Chiz Escudero

Malaking pagbaba ng bilang ng barko ng China sa mga kontroladong isla ng Pilipinas sa WPS, naobserbahan ng PH Navy

Bumaba ang bilang ng mga barko ng China na na-monitor ng Philippine Navy sa mga islang kontrolado ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Phil. Navy Spokesperson for the WPS, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, 95 barko ng China ang namataan sa mga nabanggit na lugar mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1. Malaki… Continue reading Malaking pagbaba ng bilang ng barko ng China sa mga kontroladong isla ng Pilipinas sa WPS, naobserbahan ng PH Navy