DA, tinapos na ang pagsisiyasat sa Q fever na tumama sa mga kambing

Tinapos na ng Department of Agriculture (DA) ang imbestigasyon sa pagpasok sa bansa ng mga imported na kambing mula sa Estados Unidos na mayroong Q fever. Ayon sa impormasyon, ilan sa mga kambing sa farm ay nagkaroon na ng “issues” at nagpositibo sa Q fever noong Disyembre 29, 2023 bago sila dinala sa Pilipinas. Ang… Continue reading DA, tinapos na ang pagsisiyasat sa Q fever na tumama sa mga kambing

Sen. Joel Villanueva, pinamamadali ang paglalatag ng plano ng pamahalaan sa paglaganap ng AI

Nanawagan si Senate Committee on Labor Chairperson Senador Joel Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE), National Economic and Development Authority (NEDA) at iba pang ahensya ng gobyerno na bilisan na ang paghahanda ng labor market ng Pilipinas sa paglaganap ng artificial intelligence (AI). Kaugnay nito, inihain ni Villanueva ang Senate Resolution 990 para… Continue reading Sen. Joel Villanueva, pinamamadali ang paglalatag ng plano ng pamahalaan sa paglaganap ng AI

DMW, tumanggap ng “unmodified opinion” mula sa COA sa unang taon ng operasyon nito

Tumanggap ng “unmodified opinion” ang Department of Migrant Workers (DMW) mula sa Commission on Audit (COA) sa kanilang 2023 Financial Statements. Ang unmodified opinion ay ibinibigay ng COA kapag ang mga financial statement ay inihanda nang maayos at naaayon sa mga pamantayan ng financial reporting framework. Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac,… Continue reading DMW, tumanggap ng “unmodified opinion” mula sa COA sa unang taon ng operasyon nito

Mabilis na pagpasa ng SOGIESC Equality bill, hiniling ni QC Mayor Belmonte sa mga mambabatas

Umaapela na sa Kamara at Senado si Quezon City Mayor Joy Belmonte na pabilisin ang pagpasa ng SOGIESC Equality bill. Sa ginanap na Love Laban 2 Everyone! Happy Equality: Araw ng Pasasalamat noong Hunyo 30, 2024… naghayag ng pagkadismaya si Mayor Belmonte dahil sa mabagal na pag-usad ng pagpasa ng nasabing batas. Ayon sa alkalde,… Continue reading Mabilis na pagpasa ng SOGIESC Equality bill, hiniling ni QC Mayor Belmonte sa mga mambabatas

Finger prints ng isa pang Alice Guo, di tumugma sa finger print ng suspendidong Bamban Mayor

Hindi tumugma ang finger print ng isa pang Alice Guo na nag-apply ng NBI Clearance noong taong 2005 kay suspended Bamban Mayor Alice Guo. Ito ang kinumpirma ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago sa pulong balitaan ngayong araw. Batay sa records ng NBI, nag-apply ng NBI Clearance ang ikatlong Alice Guo noong… Continue reading Finger prints ng isa pang Alice Guo, di tumugma sa finger print ng suspendidong Bamban Mayor

Foreign passenger, hawak na ng PNP matapos ang panibagong insidente ng bomb joke

Arestado sa Dipolog Airport ang isang foreign male passenger at kasalukuyang naka detain matapos ang isang bomb joke. Ayon sa report na natanggap ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Area Center 9, ang bomb joke incident ay nangyari mag aalas-6 ng umaga kanina kung saan sinabi ito ng isang male passenger sa kanyang… Continue reading Foreign passenger, hawak na ng PNP matapos ang panibagong insidente ng bomb joke

MMDA, hinikayat ang mga alkalde at kinatawan ng 17 LGUs sa NCR na makilahok sa Metro Manila Shake Drill

Photo courtesy of MMDA

Hinikayat ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes ang mga alkalde at kinatawan ng 17 local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR) na makilahok sa malawakang pagsasagawa ng Metro Manila Shake Drill na gaganapin sa July 31. Layon ng nasabing shake drill na mas lalo pang mapahusay ang kasanayan… Continue reading MMDA, hinikayat ang mga alkalde at kinatawan ng 17 LGUs sa NCR na makilahok sa Metro Manila Shake Drill

Paghahanda para sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos Jr., halos patapos na

Halos patapos na ang paghahanda ng Kamara sa Batasang Pambansa para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22. Mismong si House Committee on Accounts chair at Tingog Party-list Representative Yedda Marie Romualdez ay ininspeksyon ang preparasyon mula sa holding room na gagamitin ng Pangulo hanggang… Continue reading Paghahanda para sa ikatlong SONA ni Pangulong Marcos Jr., halos patapos na

Pasay City LGU, binigyan ng forum ang mga ama sa lungsod

Nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Pasay ng Forum on Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities sa Pasay City Astrodome. Dito tinipon ng pamahalaang lungsod ang mga kalalakihan — mga ama, amahin, at mga tumatayong father figure para sa isang makabuluhang talakayan na may temang “Erpat kong Tapat”. Pinangunahan ito ni Pasay City Mayor Emi Calixto… Continue reading Pasay City LGU, binigyan ng forum ang mga ama sa lungsod

Balete tree sa Maybunga Rainforest Park sa Pasig City, idineklara ng DENR bilang heritage tree

Photo courtesy of Pasig LGU

Isang balete tree na tinatayang nasa pitong dekada na sa Maybunga Rainforest Park sa Lungsod ng Pasig ang idineklara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang Pamanang Puno o “heritage tree.” Ito na ang ika-42 puno na idineklara ng DENR-NCR bilang heritage tree, at ika-apat naman sa lungsod. Pinangunahan ni Mayor Vico Sotto… Continue reading Balete tree sa Maybunga Rainforest Park sa Pasig City, idineklara ng DENR bilang heritage tree