Drug-free certification, iginawad ng PDEA Region-9 sa munisipyo ng Dumingag sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur

Opisyal nang ipinagkaloob ni PDEA-9 Regional Director Maharani Gadaoni-Tosoc ang Drug-Free Workplace Certification sa Lokal na Pamahalaan ng Dumingag sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur. Ito ay sa kasagsagsan ng simpleng seremonya na ginanap sa Dumingag Municipal Hall noong Hulyo 1 nitong taon. Ayon kay RD Tosoc, ang paggawad ng sertipiko ay katibayan ng pagiging… Continue reading Drug-free certification, iginawad ng PDEA Region-9 sa munisipyo ng Dumingag sa Lalawigan ng Zamboanga del Sur

Sen. Nancy Binay, kinokonsiderang maghain ng ethics complaint laban kay Sen. Alan Peter Cayetano

Pinag-aaralan na ng kampo ni Senator Nancy Binay na maghain ng reklamo sa Senate Committee on Ethics laban kay Senador Alan Peter Cayetano. Matatandaang sa naging public hearing ng Senate Committee on Accounts kahapon tungkol sa new senate building, nagkaroon ng mga akusasyon si Cayetano kay Binay na kinokontsaba ang mga miyembro ng media, sinabihan… Continue reading Sen. Nancy Binay, kinokonsiderang maghain ng ethics complaint laban kay Sen. Alan Peter Cayetano

Department of Agriculture, nanawagan sa publiko na huwag abusin ang P29 Program

Sa paglulunsad ng malawakang pagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas bukas, nanawagan si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. sa publiko na huwag abusin ang programa. Ang P29 Program ay isang inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na layong magbigay ng de-kalidad na bigas sa halagang P29 kada kilo sa mga piling… Continue reading Department of Agriculture, nanawagan sa publiko na huwag abusin ang P29 Program

Panibagong engkwentro sa pagitan ng militar at armadong grupo, sumiklab sa Nueva Ecija

Kinumpirma sa Radyo Pilipinas ni Philippine Army Spokeperson, Colonel Louie Dema-ala ang pagsiklab ng panibagong engkwentro sa bayan ng Pantabangan sa Nueva Ecija Sinabi ni Dema-ala, na nagpapatuloy ang naturang engkwentro na nagsimula kaninang hapon lamang partikular na sa Brgy. Cambital. Kasunod nito, ipinabatid din ni Army’s 7th Infantry Division Spokesperson, Major Jimson Masangkay na… Continue reading Panibagong engkwentro sa pagitan ng militar at armadong grupo, sumiklab sa Nueva Ecija

P29 Project ng Department of Agriculture, ilulunsad sa 10 Kadiwa Centers bukas

Photo courtesy of Department of Agriculture

Pormal na ilulunsad ng Department of Agriculture (DA) ang malawakang pagbebenta ng murang presyo ng bigas para sa mga piling benepisyaryo bukas. Ito ay sa ilalim ng P29 Project ng DA, na layong magbigay ng de-kalidad na bigas sa halagang P29 kada kilo sa mahigit 6.9 milyong pamilyang nangangailangan. Sa isang pulong balitaan sa Quezon… Continue reading P29 Project ng Department of Agriculture, ilulunsad sa 10 Kadiwa Centers bukas

Bakuna kontra ASF, malapit nang maging available sa merkado ng Pilipinas

Malapit nang maging available sa merkado ng Pilipinas ang bakuna kontra sa African Swine Fever (ASF). Pahayag ito ni Agriculture Secretary Francisco Tiu laurel, sa ginawang pamamahagi ng presidential assistance sa Calbayog City, Samar, ngayong araw (July 4). Ayon sa kalihim, inaasahang maaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) sa susunod na dalawang linggo… Continue reading Bakuna kontra ASF, malapit nang maging available sa merkado ng Pilipinas

Meralco, pinaigting ang kampanya laban sa pagnanakaw ng metro ng kuryente

Pinalawig ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang kampanya laban sa pagnanakaw ng mga metro ng kuryente. Ito ay dahil sa dumaraming insidente ng pagbebenta ng mga nakaw na metro at mga kable ng kuryente sa online platforms. Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, aktibo silang nakikipagtulungan sa… Continue reading Meralco, pinaigting ang kampanya laban sa pagnanakaw ng metro ng kuryente

Higit P90-M na Presidential assistance, personal na ibinaba ni Pangulong Marcos sa Samar Island

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda sa Samar, na layong makaambag sa pagsusulong ang kabuhayan at economic stability sa lugar. “Dahil po riyan, narito ang inyong pamahalaan upang iparamdam ang aming suporta sa inyo na walang-pagod na nagsisikap upang matiyak na mayroong pagkain… Continue reading Higit P90-M na Presidential assistance, personal na ibinaba ni Pangulong Marcos sa Samar Island

Mas maraming infra projects para sa patuloy na pag-unlad ng Samar, ipinangako ni PBBM

Batid ng pamahalaan ang araw-araw na hamong hinaharap ng mga residente ng Samar. Ito ang dahilan ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kung bakit isa ang infra development sa mga tinututukan ng administrasyong Marcos upang maisulong ang pag-unlad sa lugar. Sa distribusyon ng Presidential Assistance sa Calbayog City, sinabi ng pangulo na higit ₱1… Continue reading Mas maraming infra projects para sa patuloy na pag-unlad ng Samar, ipinangako ni PBBM

Pagkakasangkot ng mga kapatid at kasosyo ni Mayor Guo sa mga iligal na aktibidad sa POGO, dapat ding silipin — Hontiveros

Dapat ding imbestigahan ang posibleng pagkakasabwat ng pamilya ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at mga kasosyo nito sa negosyo sa mga krimen na iniuugnay sa alkalde. Ang pahayag na ito ng senadora ay kasunod ng pagkakasiwalat na nag-match din ang fingerprints ng kapatid ni Mayor Alice na si Wesley Guo sa Chinese national… Continue reading Pagkakasangkot ng mga kapatid at kasosyo ni Mayor Guo sa mga iligal na aktibidad sa POGO, dapat ding silipin — Hontiveros