Arestado ng National Bureau of Investigation ang isang chinese national at anim pang pilipino sangkot sa human trafficking syndicate.
Ayon kay Atty. Jeremy Lotoc, hepe ng NBI Cybercrime Division, nahuli ang mga suspek sa isang entrapment operation sa isang condominium sa Mother Ignacia sa Quezon City.
Nasagip rin sa operasyon ang pitong menor de edad na pilipino, tatlong russian at isang kazakhstan national.
Sa impormasyon ng NBI, pumasok sa bansa ang mga dayuhan sa pamamagitan ng tourist visa at pinangakuan ng trabaho pero sa sexual trafficking ang bagsak.
Inaalok umano sa social media ang mga filipina sa halagang P5,000 habang 45,000 pesos naman ang mga russian at kazakhstan.
Ayon naman kay NBI Dir. Jaime Santiago, bahagi ang mga nahuli ng malaking chinese at russian organized crime groups na nagpapatakbo ng sex ring sa ibat ibang bansa sa Southeast Asia hanggang Middle East.
Hindi pa matukoy sa ngayon ng NBI kung gaano kalaki ang sindikato na kanilang natunton pero lumalabas na magkasabwat ang chinese at russian organized crime groups sa operasyon ng human trafficking. | ulat ni Merry Ann Bastasa