1 lalaki patay at 5 ang sugatan matapos tangayin ang nakaparadang police mobile sa Morong, Rizal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isang lalaki ang nasawi habang hindi bababa sa limang katao ang nasaktan nang mauwi sa aksidente ang pagtangay sa isang nakaparadang police mobile sa Morong, Rizal.

Ayon kay Police Major Rosalino Panlaqui, Hepe ng Morong Municipal Police, naganap ang insidente matapos rumesponde ang kanyang mga tauhan sa isang lalaking nagwawala na sinasabing may sakit sa pag-iisip, na kinilalang si Jomar Caragdag, 52 taong gulang.

Bigla umanong pumasok ang suspek sa nakaparada at ginagawang police vehicle sa labas ng presinto upang tumakas, bago siya hinabol ng mga pulis gamit ang ibang sasakyan.

Pinaputukan pa ng mga humahabol na pulis si Caragdag, bago nauwi sa aksidente ang habulan kung saan ilang residente ang nasagasaan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us