Mahigit P10-M halaga ng iligal na droga, nasabat sa buy-bust operations ng PNP Drug Enforcement Group sa Maynila

Kinumpirma ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) na aabot sa P10.2 milyong halaga ng iligal na droga ang kanilang nasabat. Ito ay sa ikinasa nilang buy-bust operations ng pinagsanib na puwersa ng PDEG, Philippine Drug Enforcement Agency, at Manila Police District Station 3 sa Arlegui St., Brgy. 378 sa Quiapo, Maynila kaninang dakong alas-3… Continue reading Mahigit P10-M halaga ng iligal na droga, nasabat sa buy-bust operations ng PNP Drug Enforcement Group sa Maynila

5 miyembro ng hacking syndicate na nambiktima ng ilang private at government website, naaresto na ng NBI

Nadakip na sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang miyembro ng hacking syndicate na sangkot sa pagbebenta sa personal data ng publiko. Sa ulat ng NBI–Cybercrime Division, kabilang sa mga naaresto ay dalawang dayuhan. Kasama sa mga Pinoy na kasabwat ay sina Eden Glenn Petilo, Carlo Reyna, John Kenneth Macarampat, isang… Continue reading 5 miyembro ng hacking syndicate na nambiktima ng ilang private at government website, naaresto na ng NBI

PH Red Cross, naglabas ng videos na magsisilbing gabay sa publiko sa paghahanda sa sakuna

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo, inilunsad ng Philippine Red Cross (PRC) ang “Disaster Wais Series.” Ito ay mga serye ng video na nagbibigay diin sa kahalagahan ng kahandaan sa panahon ng sakuna. Ang unang episode ay pinamagatang “Go Bag,” na nagpapakita ng mga dapat ilagay sa isang emergency kit… Continue reading PH Red Cross, naglabas ng videos na magsisilbing gabay sa publiko sa paghahanda sa sakuna

NBI, nanindigan na iisa lang si suspended Mayor Alice Guo at si Guo Hua Ping; Isa pang Alice Guo na nasa record ng NBI, hinahanap na ng ahensya

Photo courtesy of Sen. Risa Hontiveros Facebook page

Ipinaliwanag ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi maikakaila ang inilabas nilang nag match ang fingerprints nina suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo at ng Chinese national na si Guo Hua Ping. Sa pagdinig ng Senate Committee on Women ngayong araw, sinabi ni NBI Head of Dactyloscopy Dr. Alfredo Kahanding, na tinatanggap sa lahat… Continue reading NBI, nanindigan na iisa lang si suspended Mayor Alice Guo at si Guo Hua Ping; Isa pang Alice Guo na nasa record ng NBI, hinahanap na ng ahensya

QCPD, tiniyak ang kahandaan ng mga kagamitan at ng pulisya para sa SONA ng Pangulo

Ipinakita na ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang kahandaan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 22. Inilatag ni QCPD Director Police General Redrico Maranan sa grandstand ng Camp Karingal ang mga kagamitan ng Civil Disturbance Management Unit na gagamitin ng pulisya sa… Continue reading QCPD, tiniyak ang kahandaan ng mga kagamitan at ng pulisya para sa SONA ng Pangulo

2,000 TUPAD beneficiaries mula Tanauan Leyte, naabutan ng tulong pinansyal

Nasa 2,000 benepisyaryo mula sa Tanauan Leyte ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng TUPAD program ng pamahalaan. Pinangunahan ng Office of the House Speaker ang payout sa mga benepisyaryo kung saan sila naabutan ng tig P4,050 para sa 10 araw na pagtatrabaho. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, patuloy ang pagbibigay ng ayuda sa… Continue reading 2,000 TUPAD beneficiaries mula Tanauan Leyte, naabutan ng tulong pinansyal

DOF, pinasalamatan si Pangulong Marcos Jr. sa suport sa hangad ng Pilipinas na i-host ang Loss and Damage Fund Board

Pinasalamatan ng Department of Finance (DOF) si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang suporta sa bid ng Pilipinas na i-host ang Loss and Damage Fund (LDF) Board. Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang tagumpay ng bansa ay dahil sa leadership na talakayin ang climate change sa pamamagitan ng “concrete solutions and actions”. Sinabi… Continue reading DOF, pinasalamatan si Pangulong Marcos Jr. sa suport sa hangad ng Pilipinas na i-host ang Loss and Damage Fund Board

Pondo sa pagdaraos ng SONA, binigyang linaw

Aabot sa P20 million ang inilaang pondo para sa paghahanda sa ikatlong State of the Nation Address ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22. Sa isang pahayag sinabi ni House Sec. General Reginald Velasco na ang naturang halaga ay hindi lamang para sa pagkain ng bisita ngunit para sa kabuuang pagdaraos ng SONA.… Continue reading Pondo sa pagdaraos ng SONA, binigyang linaw

Paglobo ng bomb jokes sa mga paliparan, ikinababahala ng PNP Aviation Security Group

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng bomb jokes at bomb threats sa mga paliparan sa bansa. Sa datos na ibinahagi ni Police Colonel Christopher Melchor, Hepe ng Investigation Division ng PNP Aviation Security Group, mula sa pitong kaso lamang noong nakaraang taon nakapagtala na sila ng 11 kaso sa unang anim na… Continue reading Paglobo ng bomb jokes sa mga paliparan, ikinababahala ng PNP Aviation Security Group

Deputy Speaker Camille Villar, pinag-iingat ang publiko sa pekeng Facebook account na ginagamit ang kaniyang pangalan

Binalaan ngayon ni Deputy Speaker at Las Pinas Representative Camille Villar ang publiko kaugnay sa isang pekeng Facebook account na ginagamit ang kaniyang pangalan. Ayon kay Villar, ang naturang scammer ay nagpapanggap na siya o kaya naman kaniyang kinatawan para manloko. Ang modus ay mag-aalok ng business opportunity o investment at mangangako ng malaking kita.… Continue reading Deputy Speaker Camille Villar, pinag-iingat ang publiko sa pekeng Facebook account na ginagamit ang kaniyang pangalan