Paratang na naghahanda para sa giyera ang Pilipinas, pinasinungalingan ni Sec. Teodoro

Pinasinungalingan ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro ang alegasyon na ang napapadalas na pagsasanay ng Armed Forces of the Philippines sa mga kaalyadong pwersa ay bahagi ng paghahanda para sa giyera. Sa talakayan sa Management Association of the Philippines (MAP) General Meeting kahapon, iginiit ni Teodoro na ang nabanggit na kwento ay… Continue reading Paratang na naghahanda para sa giyera ang Pilipinas, pinasinungalingan ni Sec. Teodoro

Hamon ni PBBM kay Pastor Apollo Quiboloy, sinang-ayunan ng DILG Chief

Sinegundahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. ang hamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Pastor Apollo Quiboloy na harapin ang mga reklamong ibinabato laban sa kaniya. Sa inilabas na pahayag, binigyang diin ng Kalihim ang kahalagahan na matulungan ang mga biktima ng pang-aabuso upang ihatid sa… Continue reading Hamon ni PBBM kay Pastor Apollo Quiboloy, sinang-ayunan ng DILG Chief

“Creative solutions” para pondohan ang AFP modernization, ipinanawagan ni Sec. Teodoro

Inenganyo ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro ang pribadong sektor na tumulong sa pagtuklas ng mga “creative solution” para pondohan ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines. Ang panawagan ay ginawa ng kalihim sa mga Business executive at managers sa Management Association of the Philippines (MAP) General Meeting kahapon. Paliwanag ng kalihim,… Continue reading “Creative solutions” para pondohan ang AFP modernization, ipinanawagan ni Sec. Teodoro

Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, iba pa, pinaaaresto na ng Senate panel

Pina-contempt at pinaaaresto na ng Senate panel si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at pitong iba pang resource persons sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Women. Ito ay matapos hindi dumalo sina Guo at ang iba pang resource person sa pagdinig ng Senate panel kahit pa inisyuhan na sila ng subpoena. Kabilang sa… Continue reading Suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, iba pa, pinaaaresto na ng Senate panel

PAGCOR, di na pahintulutan ang POGO ops sa malalaking compound

Ipagbabawal na ng Philippine Amusement ang Gaming Corporation (PAGCOR) ang operasyon ng mga POGO (Philippine Offshore Gaming Operators) sa malalaking compound. Ibinahagi ni PAGCOR Chair and CEO Alejandro Tengco ang bagong panuntunan na ito sa naging pagdinig ng Senado kahapon. Ayon kay Tengco, bahagi ito ng kanilang hakbang para mapigilan na ang krimen na inuugnay… Continue reading PAGCOR, di na pahintulutan ang POGO ops sa malalaking compound

Alternatibong deployment market para sa mga Pinoy seafarer, panawagan ng isang mambabatas

Nanawagan si House Committee on Civil Service and Professional Regulation Chair Kristine Alexie Tutor sa Department of Migrant Workers (DMW) at ship manning agencies na maghanap ng alternatibong deployment market para sa mga Filipino seafarer. Ayon sa mambabatas, mas pinipili pa rin kasi ng mga Pinoy seafarer ang sumampa sa barko at harapin ang panganib… Continue reading Alternatibong deployment market para sa mga Pinoy seafarer, panawagan ng isang mambabatas

Quo warranto case vs. suspended Mayor Alice Guo, nararapat lang matapos bastusin ang electoral process ng bansa

Suportado ni House Deputy Majority Leader at TINGOG Party-list Representative Jude Acidre ang hakbang ng Solicitor General na maghain ng quo warranto case laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ayon kay Acidre, ngayong nailantad na ang totoong pagkatao ni Guo ay dapat niyang harapin ang bunga ng kaniyang pagsisinungaling. “Now that there is… Continue reading Quo warranto case vs. suspended Mayor Alice Guo, nararapat lang matapos bastusin ang electoral process ng bansa

Pinaigting na anti-human trafficking campaign ng DOJ, suportado ni QC Councilor Vargas

Pinuri ni Quezon City Councilor Alfred Vargas ang mga programa ng Department of Justice (DOJ) sa pagsugpo sa problema ng human trafficking sa bansa, kaugnay sa naiulat na Tier 1 status ng Pilipinas sa Trafficking in Persons Report ng U.S. government. Sa naunang pahayag, iniulat ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na mas determinado ang… Continue reading Pinaigting na anti-human trafficking campaign ng DOJ, suportado ni QC Councilor Vargas

Presyo ng bigas, bahagyang bumaba noong Hunyo — PSA

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bahagyang pagbaba sa wholesale price ng bigas nitong Hunyo. Ayon sa PSA, nagkaroon ng tapyas sa presyo ng regular, well-milled pati na ng premium rice noong nakaraang buwan. Nasa halos ₱0.40 sentimos ang ibinaba sa bentahan ng premium rice na mula sa ₱53.80 noong Abril ay bumaba na… Continue reading Presyo ng bigas, bahagyang bumaba noong Hunyo — PSA

3 Chiefs of Police ng Davao City Police Office, naghalinhinan sa loob lamang ng isang araw

Itinalaga mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco Marbil si Police Colonel Hansel Marantan bilang Acting Director ng Davao City Police Office. Ito’y matapos bumaba ang kautusan mula sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) sa Kampo Crame hinggil sa pagtatalaga kay Marantan sa nasabing posisyon kagabi. Pinalitan ni Marantan… Continue reading 3 Chiefs of Police ng Davao City Police Office, naghalinhinan sa loob lamang ng isang araw