House Panel Chair, nangako na agad aaksyunan ang PNP Reorganization Bill

Muling tatalakayin ng Kamara ang PNP Reorganization Bill matapos itong ma-veto ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa isang mensahe, sinabi ni House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez na kinausap na siya ni Speaker Martin Romualdez at agad aaksyunan ang panukala matapos ang State of the Nation Address (SONA) ng Presidente… Continue reading House Panel Chair, nangako na agad aaksyunan ang PNP Reorganization Bill

Kamara nagkasa na ng imbestigasyon sa mga krimen na kinasasangkutan ng mga POGO

Magsasagawa na ang Kamara ng imbestigasyon kaugnay sa paglaganap ng mga krimen at iligal na gawain na iniuugnay sa mga POGO. Ito’y matapos ipag-utos ni House Speaker Martin Romualdez na magkaroon ng komprehensibong Congressional investigation ukol dito. Sa susunod na Miyerkules, July 15, itinakda ang motu proprio inquiry ng House Committee on Public Order and… Continue reading Kamara nagkasa na ng imbestigasyon sa mga krimen na kinasasangkutan ng mga POGO

Sen. Risa Hontiveros, iminumungkahing ideklara ang July 12 bilang West Philippine Sea Victory Day

Muling binuhay ni Senador Risa Hontiveros ang kanyang panawagan na ideklara ang July 12 bilang West Philippine Sea (WPS) Victory Day para gunitain ang makasaysayang panalo ng Pilipinas laban sa China sa Permanent Court of Arbitration noong 2016. Una nang inihain ng senador noong nakaraang taon ang Senate Resolution 674 kaugnay ng mungkahi niyang ito.… Continue reading Sen. Risa Hontiveros, iminumungkahing ideklara ang July 12 bilang West Philippine Sea Victory Day

DOTr, nanindigan sa karapatan sa West Philippine Sea kasabay ng pagdiriwang ng ika-8 anibersaryo ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa Int’l Permanent Court of Arbitration

Nanindigan ang Department of Transportation (DOTr) sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea kasabay ng pagdiriwang ng ika-8 taong anibersaryo ng makasaysayang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA). Ito ay kumikilala sa eksklusibong karapatan ng bansa sa mga tubig at yamang-dagat sa loob ng ating exclusive economic zone. Sa isang pahayag, sinabi ng… Continue reading DOTr, nanindigan sa karapatan sa West Philippine Sea kasabay ng pagdiriwang ng ika-8 anibersaryo ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa Int’l Permanent Court of Arbitration

Mga benepisyaryo ng ₱29 Program, papayagan pa ring makabili ng bigas sa ilulunsad na Rice-For-All Program ng DA

Walang itatakdang sektor na bibigyan ng prayoridad sa Rice-For-All Program na ilulunsad ng Department of Agriculture (DA). Sa ilalim ng nasabing programa, inaasahang makabibili ang publiko ng well-milled rice sa halagang ₱45 hanggang ₱48 kada kilo. Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, kahit ang mga benepisyaryo ng ₱29 Program ay maaaring… Continue reading Mga benepisyaryo ng ₱29 Program, papayagan pa ring makabili ng bigas sa ilulunsad na Rice-For-All Program ng DA

2 suspek sa pagnanakaw ng obra ni Fernando Amorsolo, iniharap sa media ng NBI

Iprinisinta ng National Bureau of Investigation (NBI) sa media ang dalawang suspek at ang ninakaw na 88-taong gulang na obra ng national artist na si Fernando Amorsolo. Ang kaniyang obra na “Mango Harvesters” ay nawala sa Hofileña Museum sa Silay, Negros Occidental noong July 3. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, naaresto ang mga suspek… Continue reading 2 suspek sa pagnanakaw ng obra ni Fernando Amorsolo, iniharap sa media ng NBI

Malabon LGU, nagbabala sa paggamit ng mga pekeng PWD ID

Nagbabala ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon laban sa paggamit ng mga pekeng persons with disability (PWD) ID. Ginawa ang babala matapos makatanggap ng ulat ang Malabon Persons with Disability Affairs Office (PDAO) na patuloy ang pagkalat ng mga pekeng PWD IDs na nagdudulot ng pang-aabuso at kawalan ng tiwala sa kanilang sistema. Ayon sa Malabon… Continue reading Malabon LGU, nagbabala sa paggamit ng mga pekeng PWD ID

House panel Chair, pinuri ang pagbubukas ng Seafarer’s Hub; Kapakanan ng mga marino, patuloy na isusulong

Kinilala ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Jude Acidre ang malaking benepisyo ng binuksang Seafarers Hub sa Maynila, ngayong linggo. Aniya, paraan ito ng pagtanaw at pakilala sa malaking ambag ng mga Pilipinong seafarer hindi lang sa ekonomiya ng Pilipinas ngunit maging sa buong mundo. Tinukoy nito, na noong 2022 nakapag ambag ang… Continue reading House panel Chair, pinuri ang pagbubukas ng Seafarer’s Hub; Kapakanan ng mga marino, patuloy na isusulong

La Niña Alert, itinaas ng PAGASA

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang La Niña Alert. Batay sa monitoring at analysis ng PAGASA, ito ay dahil sa patuloy na paglamig ng temperatura sa ibabaw ng dagat sa central at eastern equatorial Pacific. Kaugnay nito may 70 percent na posibilidad na mabuo ang La Niña sa Agosto… Continue reading La Niña Alert, itinaas ng PAGASA

DBM, naniniwalang bibilis ang paglago ng bansa oras na maging fully digitized ang proseso sa pamahalaan

Oras at pera ang nawawala sa pamahalaan habang hindi pa digitized ang proseso ng burukrasya sa bansa.  Ito ang tinuran ng Department of Budget and Management (DBM) sa ikalawang araw ng Build Better More Infrastructure Forum sa New Clark City, Tarlac.  Paliwanag ni DBM Assistant Secretary Romeo Balanquit, nais itong solusyunan ng kanilang ahensya ngayong… Continue reading DBM, naniniwalang bibilis ang paglago ng bansa oras na maging fully digitized ang proseso sa pamahalaan