Naligtas ng mga tropa ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang mahigit 1,500 biktima ng bagyong Carina sa Rizal mula Miyerkules hanggang kahapon.
Ang mga apektadong indibidual ay inilikas sa kani-kanilang evacuation center ng 3 Disaster Response Units (DRUs) ng 2ID at mga sundalo ng 2nd Civil-Military Operations Battalion (2CMOBn) at 80th Infantry Battalion (80IB), kasama ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at local government agencies.
Nananatili namang naka-red alert ang Philippine Army habang patuloy ang pagdeploy ng mga tauhan, at pag-monitor ng lahat ng available na tropa at kagamitan, para sa Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) Operations.
Tiniyak naman ng pamunuan ng Philippine Army ang kahandaan ng kanilang DRU teams na agarang rumesponde sa mga komunidad na apektado ng kalamidad. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by TOC and 80IB, 2ID