Pamemeke ng mga birth certificate at pasaporte ng mga foreign nationals, pianiimbestigahan sa Kamara

Inihain ngayon ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang isang resolusyon para paimbestigahan ang paglipana ng pekeng birth certificate at  pasaporte para sa mga foreign nationals. Sa kaniyang House Resolution 1802, inaatasan ang House Committee on Local Government at House Committee on Justice na busisiin kung paano nakakakuha ang mga dayuhan ng pekeng… Continue reading Pamemeke ng mga birth certificate at pasaporte ng mga foreign nationals, pianiimbestigahan sa Kamara

Sen. Pimentel, walang inaasahang pagbabago sa liderato ng Senado

Wala nang inaasahang sorpresa o anumang galaw sa liderato ng Senado si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pagbubukas ng kanilang 3rd regular session sa Lunes. Ayon kay Pimentel, dapat lang bigyan ng mapayapang panahon si Senate President Chiz Escudero na makamit ang kanyang mga nais mapagtagumpayan para sa Mataas na Kapulungan. Samantala, umaasa ang… Continue reading Sen. Pimentel, walang inaasahang pagbabago sa liderato ng Senado

Visa upon arrival policy, naabuso sa pagpapapasok ng mga POGO workers

Isinisi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa visa upon arrival policy ang biglang dami ng mga Chinese national na nagtatrabaho sa bansa bilang POGO workers. Sa motu proprio inquiry ng Kamara kaugnay sa POGO related crimes, sinabi ni PAOCC Spokersperson Winston Casio na 2017 pa lang ay may mga foreign nationals na nang nagtatrabaho… Continue reading Visa upon arrival policy, naabuso sa pagpapapasok ng mga POGO workers

Sobrang pagkain sa mga fast food chains at hotels, ipinapanukala ni Sen. Estrada na i-donate na sa mga food bankSobrang pagkain sa mga fast-food chains at hotels, ipinapanukala ni Sen. Estrada na i-donate sa mga food bankSobrang pagkain sa mga fast food chains at hotels, ipinapanukala ni Sen. Estrada na i-donate na sa mga food bank

Isinusulong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang pagpapasa ng isang batas na magtatatag ng food banks at mag-aatas sa food manufacturers at mga establisyimento gaya ng restaurants, cafes, fast food chains, hotels, supermarkets at culinary schools na i-donate ang kanilang sobrang pagkain para sa mga nangangailangan. Ayon kay Estrada, nakakalungkot na napakaraming pagkain… Continue reading Sobrang pagkain sa mga fast food chains at hotels, ipinapanukala ni Sen. Estrada na i-donate na sa mga food bankSobrang pagkain sa mga fast-food chains at hotels, ipinapanukala ni Sen. Estrada na i-donate sa mga food bankSobrang pagkain sa mga fast food chains at hotels, ipinapanukala ni Sen. Estrada na i-donate na sa mga food bank

Alegasyong “red tagging” ni Rep. Castro laban kay Sec. Año, pinalagan ng NSC

Pinasinungalingan ng National Security Council (NSC) ang alegasyon ni ACT Teachers Party List Rep. France Castro na sangkot sa “red tagging” at pagkakalat ng “disinformation” si National Security Adviser Secretary Eduardo Año. Buwelta ni NSC Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya sa isang statement ngayong araw, walang katotohan at basehan ang naturang alegasyon at si… Continue reading Alegasyong “red tagging” ni Rep. Castro laban kay Sec. Año, pinalagan ng NSC

DA, kampante na tataas ang produksyon ng palay kapag magsimula na ang operasyon ng Jalaur Dam

Inaasahan nang tataas ang produksyon ng palay sa bansa matapos pasinayaan ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. ang P19-B sa Jalaur Dam sa bayan ng Calinog sa Iloilo. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., mahigit tatlong daang metric tons ang posibleng maitala sa rice production sakaling simulan na ang operasyon ng dam. Sinabi… Continue reading DA, kampante na tataas ang produksyon ng palay kapag magsimula na ang operasyon ng Jalaur Dam

Philippine Red Cross, pumasok sa kasunduan sa iba’t ibang organisasyon para sa kahandaan sa emergency

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Blood Donor Month ngayong Hulyo, lumagda ang Philippine Red Cross (PRC) sa kasunduan para paigtingin ang kahandaan sa panahon ng kalamidad at sakuna. Pinangunahan nina PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang at PRC Rizal Chapter Board Member Anson Ong ang paglagda sa Memorandum of Agreement, kasama ang mga kinatawan ng… Continue reading Philippine Red Cross, pumasok sa kasunduan sa iba’t ibang organisasyon para sa kahandaan sa emergency

Isyu sa POGO maaaring tugunan ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA

Naniniwala si Albay Representative Joey Salceda na magandang pagkakataon ang state of the nation address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang ilahad ang posisyon ng pamahalaan sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng POGO. Ani Salceda, sa simpleng pahayag na sundin ang umiiral na batas ay maaari na aniyang maresolba ang isyu sa… Continue reading Isyu sa POGO maaaring tugunan ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang SONA

Pangulong Marcos Jr., nakatutok na sa pagsasapinal ng kaniyang talumpati para sa ikatlong SONA

Abala na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsasapinal ng lalamanin ng kaniyang talumpati para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes (July 22). Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), kaya walang public engagement ang Pangulo ngayong araw (July 17), ay dahil hands on o personal nitong tinututukan ang kaniyang SONA… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nakatutok na sa pagsasapinal ng kaniyang talumpati para sa ikatlong SONA

Mahigit 6,000 pulis, ipinagharap ng kasong administratibo sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. PNP-IAS

Aabot sa mahigit 6,000 pulis ang sinampahan ng kasong administratibo ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito ang iniulat ngayon ni PNP-IAS Inspector General, Atty. Brigdo Dulay Jr. kung saan, nasa 6,526 na mga pulis ang inirekomendang patawan ng iba’t ibang parusa.… Continue reading Mahigit 6,000 pulis, ipinagharap ng kasong administratibo sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr. PNP-IAS