PNP Chief, PGen. Marbil, biyaheng CALABARZON para sa kaniyang Command Visit

Biyaheng CALABARZON ngayon si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco Marbil para sa kaniyang regular na Command Visit. Batay sa abiso ng Police Regional Office 4A, ganap na alas-8 ng umaga ngayong araw ang Command Visit sa Camp Vicente Lim sa Calamba City sa Laguna. Doon, inaaasahang magsasagawa ng “Talk to Men”… Continue reading PNP Chief, PGen. Marbil, biyaheng CALABARZON para sa kaniyang Command Visit

3 araw na Gun Ban, ipatutupad ng PNP para sa ikatlong SONA ni PBBM

Abiso sa mga nagmamay-ari ng baril at gun enthusiast, pinalawig pa ng Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) sa 3 araw ang ipatutupad nilang gun ban kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay CSG Spokesperson, Police Lt. Col. Eudisan Gultiano, suspendido ang Permit… Continue reading 3 araw na Gun Ban, ipatutupad ng PNP para sa ikatlong SONA ni PBBM

JICA, nangako ng suporta para sa pagpapahusay ng transport system — DOTr

Nagkasundo ang Department of Transportation (DOTr) at ang Japan International Cooperation Agency (JICA) na magtulungan para paghusayin pa ang kalidad ng sistemang pangtransportasyon ng Pilipinas. Ito’y makaraang selyuhan ng DOTr at JICA ang isang Technical Coopration Project Agreement na layong pagandahin pa ang sistema ng transportasyon upang mahikayat ang lahat na gamitin ito. Kabilang sa… Continue reading JICA, nangako ng suporta para sa pagpapahusay ng transport system — DOTr

Guilty verdict vs ACT Partylist Rep. France Castro at dating Rep. Satur Ocampo, magsisilbing balakid para sa kanila na tumakbo sa 2025 Elections — DOJ

Posibleng hindi na makatakbo pa para sa 2025 Mid-Term Elections sina ACT Partylist Representative France Castro at dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo. Ito, ayon sa Department of Justice (DOJ), ay dahil sa naging hatol ng korte laban kina Castro, Ocampo, at 11 iba pa dahil sa kasong Child Abuse and Exploitation. Sa pulong-balitaan ng… Continue reading Guilty verdict vs ACT Partylist Rep. France Castro at dating Rep. Satur Ocampo, magsisilbing balakid para sa kanila na tumakbo sa 2025 Elections — DOJ

MMDA, dumipensa sa nag-viral na PWD ramp sa isa sa mga istasyon ng EDSA Busway

Nagpaliwanag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa nag-viral na rampa para sa mga PWD o may kapansanan sa isa sa mga bagong bukas na istasyon ng EDSA Busway. Sa post ng MMDA sa social media, sinabi nito na mayroon kasing height restriction ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na sinunod ang MMDA,… Continue reading MMDA, dumipensa sa nag-viral na PWD ramp sa isa sa mga istasyon ng EDSA Busway

Whole-of-gov’t approach, susi sa maagap na disaster response — DSWD

Naniniwala si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na susi ang whole-of-government approach para sa mas maagap na pagpapaabot ng tulong sa mga nangangailangan partikular sa mga disaster-affected families sa bansa. Ayon sa kalihim, dahil sa magandang koordinasyon ng DSWD sa mga local government unit (LGU), mabilis na nakatutugon ang pamahalaan… Continue reading Whole-of-gov’t approach, susi sa maagap na disaster response — DSWD

Napaulat na mataas na bentahan ng manok sa Muñoz Market, sinilip ng DA

Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) laban sa mga nananamantala sa presyuhan ng mga pangunahing bilihin sa Metro Manila. Kasunod ito ng napaulat na bentahan ng manok sa Muñoz Market sa Quezon City na umabot sa ₱250 ang kada kilo, higit na mas mataas sa ₱200-₱210 na retail price range sa ibang pamilihan. Ayon kay… Continue reading Napaulat na mataas na bentahan ng manok sa Muñoz Market, sinilip ng DA

Pagpapasa ng Mandatory ROTC Bill, hiling ni Sen. Dela Rosa na mabanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA

Umaasa si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na mababanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes ang tungkol sa pagpapasa ng Mandatory ROTC (Reserve Officers’ Training Corps) Bill. Ito, ayon kay Dela Rosa, ay para maengganyo ang mga kasamahan niya sa majority ng Senado na maipasa… Continue reading Pagpapasa ng Mandatory ROTC Bill, hiling ni Sen. Dela Rosa na mabanggit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA

Mga bangko pagmumultahin ng BSP ng hanggang ₱1-M sa maling pag-uulat ng foreign exchange transactions

Magpapatupad ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng bagong panuntunan sa foreign exchange transaction ng mga bangko. Ayon sa BSP, magpapataw sila ng multa ng hanggang isang milyong piso para sa bawat paglabag upang maprotektahan ang katatagan ng piso. Sa statement na inilabas ng BSP, sinabi nito na inaprubahan ng Monetary Board ang amyenda sa… Continue reading Mga bangko pagmumultahin ng BSP ng hanggang ₱1-M sa maling pag-uulat ng foreign exchange transactions

Call center agent, inaresto ng PNP-ACG sa 28 counts ng computer-related fraud

Inaresto ng Regional Anti-Cybercrime Unit- Bangsamoro Autonomous Region (RACU-BAR) sa bisa ng arrest warrant ang isang call center agent na wanted sa 28 counts ng computer-related fraud sa Parang, Maguindanao. Sa ulat ni PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Director Police Brig. Gen. Ronnie Francis Cariaga kahapon, kinilala ang arestado na si alyas “King” na top 7… Continue reading Call center agent, inaresto ng PNP-ACG sa 28 counts ng computer-related fraud