NTC at mga TELCO, kinalampag ng mambabatas para labanan ang text scams

Nanawagan si House Committee on Information and Communications Technology Chair at Navotas Representative Toby Tiangco sa National Telecommunications Commission (NTC) na makipag tulungan sa iba pang sektor upang tuluyang masawata ang problema ng text scam sa bansa. Paalala ni Tiangco kailangan na istriktong maipatupad ang SIM Registration Law para mapigil na ito. Kaya nga aniya… Continue reading NTC at mga TELCO, kinalampag ng mambabatas para labanan ang text scams

184 na titulo ng lupa, naipamahagi ng Manila LGU sa mga residente nito

Naipagkaloob ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang aabot sa 184 na titulo ng lupa para sa mga pamilya na mula sa iba’t ibang estate sa siyudad. Kabilang dito ang 133 residente ng YK estate na nakatanggap ng kanilang mga titulo ng lupa makalipas ang 20 taon dahil na rin sa paglalaan ng budget sa pangunguna… Continue reading 184 na titulo ng lupa, naipamahagi ng Manila LGU sa mga residente nito

Cebu Pacific patuloy sa pagsasaayos ng kanilang mga system kasunod ng naganap na global IT outage

Inuulat ng Cebu Pacific sa pinakahuling advisory nito na patuloy ang kanilang isinasagawang pagsasasaayos ng kanilang mga system matapos ang naganap na global cyber outage na nagsimula kahapon. Ayon sa CebPac, kanila nang nai-restore ang automated check-in, booking, at iba pa nilang system ngunit maaari makaranas pa rin sa kasalukuyan ng mga pagkaantala sa mga… Continue reading Cebu Pacific patuloy sa pagsasaayos ng kanilang mga system kasunod ng naganap na global IT outage

Kick off ng Brigada Eskwela sa Quezon City, pinangunahan ni DepEd Sec. Angara

Opisyal nang inilunsad ang Brigada Eskwela 2024 sa Commonwealth Elementary School at Bagong Silangan High School sa Quezon City. Pinangunahan ni DepEd Secretary Sonny Angara, MMDA Chairman Don Artes at Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kick off ceremony ng Brigada. Isang taunang aktibidad, na naglalayong tiyakin ang kalinisan ng mga pampublikong paaralan sa oras… Continue reading Kick off ng Brigada Eskwela sa Quezon City, pinangunahan ni DepEd Sec. Angara

Hightech na Mobile Command Center ng MMDA, gagamitin sa SONA sa Lunes

Ide-deploy ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang Mobile Command Center sa lunes kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, maituturing na high tech ang command center na may kakayahan na ma-monitor ang mga kaganapan sa iba’t ibang lugar. Bukod sa… Continue reading Hightech na Mobile Command Center ng MMDA, gagamitin sa SONA sa Lunes

Bagyong Butchoy, nakalabas na ng PAR habang nasa bahagi pa ng Virac, Catanduanes ang bagyong Carina

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Butchoy. Huling namataan ang sama ng panahon kaninang alas-10:00 ng umaga sa layong 565 km sa Timog ng Iba, Zambales. Ayon sa PAGASA, hindi na direktang makaapekto si Butchoy sa bansa sa loob ng susunod na tatlong araw. Gayunpaman, magdadala pa rin ng malakas… Continue reading Bagyong Butchoy, nakalabas na ng PAR habang nasa bahagi pa ng Virac, Catanduanes ang bagyong Carina

Clamping at towing operations sa Maynila, pansamantalang ititigil ayon sa bagong talagang MTPB OIC

Ititigil pansamatala ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang operasyon nito ng lahat ng clamping at towing operation na isinasagawa nito sa lungsod sang-ayon sa utos ng bagong talagang Officer-In-Charge nito na si Narciso Diokno III. Ayon kay Diokno, ang desisyon ay bunga ng maraming reklamo at upang mas mapaglingkuran ang interes ng publiko.… Continue reading Clamping at towing operations sa Maynila, pansamantalang ititigil ayon sa bagong talagang MTPB OIC

“Bagong Immigration” abot kamay na ayon kay BI Commissioner Tansingco

Ibinida ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga makabuluhang nagawa ng kanilang ahensya sa ilalim ng ‘Bagong Immigration’ vision, na nakahanay sa mga layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang mas epektibo at ligtas na Pilipinas. Ilang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address ng Pangulo, inanunsyo… Continue reading “Bagong Immigration” abot kamay na ayon kay BI Commissioner Tansingco

BSP malugod na tinanggap ang pagkapasa ng Anti-Financial Account Scamming Law

Welcome para sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagkapasa ng Republic Act. no. 12010 na kilala rin bilang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na nilagdaan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang. Layunin ng naturang batas na labanan ang mga financial cybercrimes, protektahan ang mga konsyumer, at panatilihin ang integridad ng financial… Continue reading BSP malugod na tinanggap ang pagkapasa ng Anti-Financial Account Scamming Law

Speaker Romualdez, pinuri ang batas na lalaban sa financial fraud

Pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglagda nito sa RA 12010 o Anti-Financial Accounts Scamming Act (AFASA). Ayon sa lider ng Kamara layon ng makasaysayang batas na ito na labanan ang economic fraud at protektahan ang mga Pilipino laban sa financial scam at mapanatili ang integridad ng ating financial… Continue reading Speaker Romualdez, pinuri ang batas na lalaban sa financial fraud