Kwento ng tagumpay ng 2 dating 4Ps beneficiaries na tampok sa SONA ni PBBM, ikinalugod ni DSWD Sec. Gatchalian

Ikinatuwa ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na naisama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang kwento ng tagumpay ng dalawang dating 4Ps beneficiaries. Sa ulat ng Pangulo, special mention ang kwento ng mga dating benepisyaryo ng 4Ps, na sina Alexis Alegado,… Continue reading Kwento ng tagumpay ng 2 dating 4Ps beneficiaries na tampok sa SONA ni PBBM, ikinalugod ni DSWD Sec. Gatchalian

DSWD Bicol, nagpaabot ng packed meals sa mga stranded na pasahero sa Pasacao Port

Nagpaabot ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol kahapon, July 22, 2024 ng packed meals para sa 97 na mga stranded na pasahero sa Pasacao Port na matatagpuan sa bayan ng Pasacao, Camarines Sur. Ang mga pasahero ay na-stranded matapos makansela ang biyahe mula sa Pasacao Port patungo sa San Pascual, Burias, Masbate… Continue reading DSWD Bicol, nagpaabot ng packed meals sa mga stranded na pasahero sa Pasacao Port

Tuluyang pagbabawal sa POGO,  suportado ng maraming mambabatas

Photo courtesy of Philippine News Agency

Malugod ang pagtanggap ng mga mambabatas sa pagtindig ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyan nang ipagbawal ang POGO sa bansa. Ayon kay Speaker Martin Romualdez isa itong “bold move” na nagpapakita ng commitment ng Pangulo sa pagsunod sa tamang economic practices. Ipinapakita rin aniya ng Punong Ehekutibo ang malasakit niya sa pagbibigay atas… Continue reading Tuluyang pagbabawal sa POGO,  suportado ng maraming mambabatas

Lebel ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal sa kabila ng magdamag na pag-ulan

Nananatiling normal ang lebel ng tubig sa Marikina River ngayong umaga ng Martes, July 23. Ito’y kasunod na rin ng pabugso-bugsong ulan na naranasan sa lugar sa nakalipas na magdamag bunsod ng bagyong Carina. Gayunman, sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas ay wala pa ring naitalang pagbaha sa alinmang panig ng lungsod. Una nang sinabi ng… Continue reading Lebel ng tubig sa Marikina River, nananatiling normal sa kabila ng magdamag na pag-ulan

Red Alert status, itinaas na ng DSWD dahil sa banta ng Habagat at bagyong Carina

Inactivate na ng DSWD Disaster Response Command Center (DRCC) ang Red Alert status kaugnay ng banta ng Habagat at bagyong Carina. Ayon sa DSWD, nakatutok na ito ngayon, partikular ang DSWD Disaster Response Management sa sitwasyon sa mga apektadong lugar. Nagkaroon na rin ng pulong ang ahensya sa pangunguna ni Disaster Management Group Undersecretary Diane… Continue reading Red Alert status, itinaas na ng DSWD dahil sa banta ng Habagat at bagyong Carina

DBM, may nakalaan ng ₱36-B para sa dagdag-sweldo ng mga empleyado ng gobyerno sa taong ito 

Matapos sabihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon na tataasan ang sweldo ng mga kawani ng pamahalaan, tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na may nakalaan ng pondo para dito.  Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, may ₱36 billion ngayong taon para pondohan ang… Continue reading DBM, may nakalaan ng ₱36-B para sa dagdag-sweldo ng mga empleyado ng gobyerno sa taong ito 

2 poste bumagsak sa Brgy. Highway Hills sa Mandaluyong City

Pansamantalang isinara ang Sheridan Street sa Barangay Highway Hills sa Mandaluyong City, Martes ng umaga. Ito’y kasunod ng pagbagsak ng dalawang concrete post sa lugar matapos dumaan ang isang container van na siyang humila sa mga kable. Ayon sa ilang nakakita sa lugar, alas-5:15 kaninang umaga nang mangyari ang insidente. Agad namang rumesponde ang mga… Continue reading 2 poste bumagsak sa Brgy. Highway Hills sa Mandaluyong City

House leaders, kinondena ang paggamit ng Deepfake para siraan ang Presidente

Mariing kinondena ni House Majority Leader Mannix Dalipe ang pagpapakalat ng gawa-gawang video gamit ang Deepfake para siraan ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Aniya, hindi lang ito pag-atake sa imahe at katauhan ng Presidente ngunit pag-atake rin sa buong bansa. “The fabricated video, which falsely depicts the President using illegal substances, is not just… Continue reading House leaders, kinondena ang paggamit ng Deepfake para siraan ang Presidente

NEDA, inanyayahan ang publiko na tunghayan ang POST-SONA discussions ngayong araw

Inanyayahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang publiko na panoorin at pakinggan ang dalawang araw na POST-SONA discussions. Ayon sa NEDA, dito inaasahang ilalatag ng iba’t ibang kagawaran ang detalyadong ulat hinggil sa kanilang mga nagawa sa ikalawang taon ng administrasyong Marcos. Nakatutok ang talakayan ngayong araw sa food security at economic development… Continue reading NEDA, inanyayahan ang publiko na tunghayan ang POST-SONA discussions ngayong araw

House Agriculture Committee Chair, nagpasalamat sa patuloy na suporta ni PBBM sa sektor ng agrikultura

Welcome para kay House Committee on Agriculture and Food Chair Mark Enverga ang anunsyo ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mananatiling prayoridad ng pamahalaan ang pagpapalakas sa produksyon ng bigas. Ayon kay Enverga, malaking bagay na hindi ikinaila ng Pangulo ang problema sa inflatiom lalo na pagdating sa presyo ng bigas. Dito ipinakita aniya… Continue reading House Agriculture Committee Chair, nagpasalamat sa patuloy na suporta ni PBBM sa sektor ng agrikultura