DND, dumistansya sa naging kasunduan ng Pilipinas at China sa pagpapatupad ng Rotation & Re-supply mission sa BRP Sierra Madre

Hinihintay pa ng Department of National Defense (DND) ang detalyadong ulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa naging kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China. Ito’y may kaugnayan sa pagsasagawa ng Rotation & Re-supply (RoRe) mission sa mga sundalong nakahimpil sa nakasadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Sa panayam ng… Continue reading DND, dumistansya sa naging kasunduan ng Pilipinas at China sa pagpapatupad ng Rotation & Re-supply mission sa BRP Sierra Madre

Total ban sa mga POGO o International Gaming Licensee, ikinatuwa ng PAOCC

Ikinalugod ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kahapon. Ito’y makaraang ideklara mismo ng Pangulo sa kaniyang SONA ang total ban sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ngayo’y International Gaming Licensee. Sa pahayag ni PAOCC Executive… Continue reading Total ban sa mga POGO o International Gaming Licensee, ikinatuwa ng PAOCC

Mga isyu sa agri sector, tinutugunan na ni Pres. Marcos Jr. — DA Sec. Tiu-Laurel

Suportado ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel ang mga direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) para sa sektor ng agrikultura. Ayon sa kalihim, makailang beses na tinalakay sa SONA ng Pangulo ang mga isyung kinahaharap ng sektor, na malinaw na indikasyong importante at nakatutok ang Presidente sa… Continue reading Mga isyu sa agri sector, tinutugunan na ni Pres. Marcos Jr. — DA Sec. Tiu-Laurel

Laman ng SONA ni Pres. Marcos Jr, ikinatuwa ng ilang manggagawa

Kuntento ang ilang manggagawa sa Quezon City sa kanilang narinig na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Patok sa ilang nakapanayam ng RP1 ang usapin ng POGO na para sa kanila ay talagang napapanahon nang alisin sa bansa dahil sa masamang epekto nito. Ayon kay Mang Jaime, isang security… Continue reading Laman ng SONA ni Pres. Marcos Jr, ikinatuwa ng ilang manggagawa

Klase sa Caloocan, Malabon, at Navotas, kanselado dahil sa walang tigil na ulan

Nag-anunsyo na ng class suspension ang ilang lokal na pamahalaan sa Northern Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy pa ring pag-ulan. Si Caloocan Mayor Along Malapitan, inanunsyo ang kanselasyon ng pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaaralan sa lungsod. Batay rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, kanselado… Continue reading Klase sa Caloocan, Malabon, at Navotas, kanselado dahil sa walang tigil na ulan

DILG, PNP, supportado ang kautusan ng Pangulo na ipatigil ang mga POGO sa bansa

Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang kautusan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na ipatigil ang operasyon ng lahat ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Sa isang pahayag matapos ang SONA, sinabi ni Abalos na una na… Continue reading DILG, PNP, supportado ang kautusan ng Pangulo na ipatigil ang mga POGO sa bansa

Commander ng Training and Doctrine Command ng Philippine Army, na-promote

Ginawaran ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ng pangalawang estrella si Training and Doctrine Command (TRADOC) Commander Maj. Gen. Danilo Benavides sa Philippine Army Headquarters, Fort Bonifacio, Taguig  kahapon. Kasabay ng promosyon ni Maj. Gen. Benavides ang kanyang pormal na panunungkulan bilang commander ng TRADOC.  Si Maj. Gen. Benavides ay una nang nagsilbi… Continue reading Commander ng Training and Doctrine Command ng Philippine Army, na-promote

₱5-M halaga ng slope protection structure project sa Zamboanga del Norte, natapos na ng DPWH Region-9

Natapos na ng Department of Public Works and Highways Region-9 (DPWH-9) ang konstruksyon ng ₱5 milyong halaga ng slope protection structure project sa Barangay Tinindugan sa bayan ng Sergio Osmeña Sr. sa lalawigan ng Zamboanga del Norte. Ayon kay Engr. Cayamombao Dia, Regional ditector ng DPWH-9, layon ng proyekto na maproteksyunan ang mga motorista mula… Continue reading ₱5-M halaga ng slope protection structure project sa Zamboanga del Norte, natapos na ng DPWH Region-9