Mga komunidad na isolated dahil sa bagyong Carina, pinatututukan ni PBBM

Pinababantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga awtoridad ang mga residente mula sa mga komunidad na stranded o isolated dahil sa mga pagbaha at malakas na ulan bunsod ng bagyong Carina. Sa situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, July 24, sinabi ng Pangulo na mahalaga ito,… Continue reading Mga komunidad na isolated dahil sa bagyong Carina, pinatututukan ni PBBM

Antas ng tubig sa Marikina River, umakyat pa sa 19.9 meters

Mas lalo pang tumaas ang lebel ng tubig sa Marikina River. Ito ay sa gitna ng mga nararanasang pag-ulan dulot ng Bagyong Carina at habagat. Kahit pa katamtaman na lang ang lakas ng ulan sa mga oras na ito ay patuloy pa rin ang pagbagsak ng tubig mula sa mga bulubunduking bahagi ng Rizal. Batay… Continue reading Antas ng tubig sa Marikina River, umakyat pa sa 19.9 meters

PNP, idineploy ang lahat ng available manpower at resources para tumulong sa mga apektado ng bagyo

Naka-deploy na ang mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng rehiyong apektado Bagyong Carina, partikular sa National Capital Region. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ipinagutos ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pag-deploy ng lahat ng available na manpower at resources ng PNP para… Continue reading PNP, idineploy ang lahat ng available manpower at resources para tumulong sa mga apektado ng bagyo

Kalsada sa Brgy. Boulevard, Molo, Iloilo City, winasak ng malakas na hampas ng alon

Dahil sa walang humpay na paghampas ng malakas na alon, nawasak ang kalsada sa tabi nang dagat sa Barangay Boulevard, Molo, Iloilo City. Hindi ngayon madaanan ang barangay road matapos masira at mabitak mula nang lumakas ang hanging habagat na pinalakas pa ng bagyong Carina. Sinabi ng residenteng si Lito  noong Lunes, July 22, nang… Continue reading Kalsada sa Brgy. Boulevard, Molo, Iloilo City, winasak ng malakas na hampas ng alon

Pagsailalim ng buong Metro Manila sa state of calamity, pag- uusapan ng mga alkalde

Pag-uusapan ng mga alkalde sa National Capital Region kung kailangan na bang isailalim ang Metro Manila sa state of calamity. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ambush interview kasunod ng pinangunahan nitong situational briefing sa NDRRMC. Ayon sa Pangulo, hindi naman maikakaila kung gaano din naapektuhan ng tuloy-tuloy na pag-ulan ang… Continue reading Pagsailalim ng buong Metro Manila sa state of calamity, pag- uusapan ng mga alkalde

2 search and rescue team, dineploy ng Philippine Army sa gitna ng malawakang pagbaha sa NCR

Nag-deploy ng dalawang Urban Search and Rescue (USAR) Team ang Philippine Army para tumulong sa mga biktima ng malawakang pagbaha na kasalukuyang nararanasan sa Metro Manila. Ang mga ito ay binubuo ng 52 tauhan at rescue asset mula sa 525th Engineer “Forerunner” Battalion ng Combat Engineer Regiment. Ang dalawang USAR team kasama ang apat na… Continue reading 2 search and rescue team, dineploy ng Philippine Army sa gitna ng malawakang pagbaha sa NCR

2 dam sa Luzon, tuloy-tuloy ang pagpapakawala ng tubig

Nagpakawala na ng tubig ang Ipo at Binga Dam sa Luzon. Sa ulat ng PAGASA, alas-11 ng umaga nang buksan ang isang gate ng Ipo Dam ng hanggang .30 meters. Nasa 102.03 meters ang water level ng dam na mas mataas sa 101.10 meters ang normal high water elevation. Pinayuhan na ang mga residente na… Continue reading 2 dam sa Luzon, tuloy-tuloy ang pagpapakawala ng tubig

Higit 300 pamilya sa QC, nananatili sa evacuation centers

May inisyal nang 306 na pamilya ang nananatili sa evacuation centers sa Quezon City bunsod ng malakas na pag-ulang dala ng habagat. Ayon sa datos ng LGU, pinakamalaki ang bilang ng pamilyang pansamantalang inilikas sa Diosdado Macapagal Elementary School na umabot sa 79 na pamilya. Sinundan ito ng Jose Panganiban Highschool na may 69 pamilya… Continue reading Higit 300 pamilya sa QC, nananatili sa evacuation centers

4 nasawi sa landslide sa Agoncillio, Batangas

Apat ang nasawi sa landslide na naganap sa Sitio Manalao, Subic Ilaya Agoncillo, Batangas. Sa ulat ng Agoncillio Municipal Police Station na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina: Denden Malipol, 27, buntis; Lyca Malipol Rimas, 16; Aiza Malipol Rimas, 13; at Samantha Rimas Mamugay, 9, anak ng unang biktima. Base sa… Continue reading 4 nasawi sa landslide sa Agoncillio, Batangas

Ikatlong alarma, itinaas na sa Marikina River; mahigit 150 pamilya, inilikas

Nagpatupad na ng forced evacuation ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa mga residenteng nakatira sa mababang lugar. Ito’y matapos itaas sa ikatlong alarma ang Marikina River dahil umabot na sa 18 metro ang lebel ng tubig dito. Dahil diyan, sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na kanila nang ide-deploy ang Disaster and Rescue Personnel… Continue reading Ikatlong alarma, itinaas na sa Marikina River; mahigit 150 pamilya, inilikas