Sen. Villanueva, suportado ang pag-imbestiga sa flood control projects ng pamahalaan

Sang-ayon si Senador Joel Villanueva na kailangang imbestigahan ang flood control projects ng pamahalaan kasunod ng naranasang malawakang pagbaha dulot ng habagat at bagyong Carina. Giit ng senador, hindi katanggap-tanggap na dahilan ang pagsasabing malakas na ulan at dami ng tubig ang sanhi ng mga pagbaha. Ito lalo na aniya’t halos nasa P1 bilyong kada… Continue reading Sen. Villanueva, suportado ang pag-imbestiga sa flood control projects ng pamahalaan

Rep. Elizaldy Co, kasamang nag-ikot sa evacuation centers sa NCR upang mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina

Bumisita si House Appropriation Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co sa mga biktima ng pananalasa ng bagyong Carina sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Kasama si House Speaker Martin Romualdez, Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre at iba pang mambabatas, namahagi sila ng relief goods sa San Juan… Continue reading Rep. Elizaldy Co, kasamang nag-ikot sa evacuation centers sa NCR upang mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina

OFW party-list, tumulong sa mga pamilya at komunidad ng OFWs na nasalanta ng Bagyong Carina

Naghatid ng tulong ang OFW party-list sa nga apektadong pamilya at komunidad ng Overseas Filipino Workers. Pinangunahan ni OFW party-list Representative Marissa Del Mar Magsino ang relief operations kung saan namahagi sila ng essential goods kabilang ang tubig inumin, biscuits at toiletry kits sa Makati, Mandaluyong, Marikina, Quezon City, Caloocan, Manila at Pateros. Ayon kay… Continue reading OFW party-list, tumulong sa mga pamilya at komunidad ng OFWs na nasalanta ng Bagyong Carina

Presyo ng mga bilihin sa La Union, nananatiling stable sa kabila ng epekto ng bagyong Carina

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatiling stable ang presyo ng basic necessities and prime commodities (BNPC) sa La Union. Nagsagawa ang opisina ng price monitoring sa mga supermarket at groceries sa San Fernando City, La Union ngayong Hulyo 25, 2024. Ito ay upang matiyak na sumusunod ang mga pamilihan sa itinalagang… Continue reading Presyo ng mga bilihin sa La Union, nananatiling stable sa kabila ng epekto ng bagyong Carina

Karagdagang relief goods, ipadadala ng DSWD sa LGUs na sinalanta ng Bagyong Carina at habagat

Inihayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nakahanda na ang ahensya na magbigay ng karagdagang family food packs (FFPs) sa mga local government unit (LGUs) na labis na naapektuhan ng Bagyong Carina at habagat. Ayon kay Secretary Gatchalian, mayroon nang 360,228 FFPs ang naipamahagi sa iba’t ibang rehiyon, kabilang… Continue reading Karagdagang relief goods, ipadadala ng DSWD sa LGUs na sinalanta ng Bagyong Carina at habagat

Ilang paaralan, posibleng ipagpaliban ang pasukan dahil sa pinsalang dulot ng habagat at bagyong Carina – DepEd

Photo courtesy of DepEd Secretary Sonny Angara

Posibleng ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa ilang paaralan na napinsala ng nagdaang habagat at bagyong Carina. Sa isang pahayag, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na ang mga paaralang may malubhang pinsala ay bibigyan ng panahon upang makapagsagawa ng pagkukumpuni at paglilinis. Hindi aniya pipilitin ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na… Continue reading Ilang paaralan, posibleng ipagpaliban ang pasukan dahil sa pinsalang dulot ng habagat at bagyong Carina – DepEd

PCSO, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Carina sa CAMANAVA

Naghatid ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga residente ng CAMANAVA na naapektuhan ng Bagyong Carina. Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel Robles ang pamamahagi ng relief goods na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, at hygiene kits. Nagpasalamat naman si Robles sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ang… Continue reading PCSO, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Carina sa CAMANAVA

House Committee on Metro Manila Development, agarang nag-convene upang i-asses ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sa NCR

Agad na ipinatawag ni Manila Representative Rolando Valeriano, Chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  kaugnay sa naganap na matinding pagbaha sa Metro dulot ng bagyong Carina. Ayon kay Valeriano, kailangang magpaliwanag ng MMDA at… Continue reading House Committee on Metro Manila Development, agarang nag-convene upang i-asses ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sa NCR

Pagpapatayo ng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Muling binuhay ni Senador Sherwin Gatchalian ang panukalang pagpapatayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa. Ito ay nakapaloob sa Senate Bill 2451 o ang panukalang Ligtas Pinoy Centers Act na layong magtayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong Pilipinas. Ang mga naturang evacuation center… Continue reading Pagpapatayo ng evacuation centers sa bawat lungsod at munisipalidad sa buong bansa, isinusulong ni Sen. Gatchalian

DENR, nagpadala ng survey vessel upang tumulong sa paghahanap sa lumubog na motor tanker sa Limay, Bataan

Agad na nagpadala ng survey vessel ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang tumulong sa paghahanap sa lumubog na Terra Nova, isang motor tanker sa baybayin ng Limay, Bataan. Ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, mahalagang matukoy ang eksaktong lokasyon at kondisyon ng barko upang masuri ang posibleng pagkalat ng langis… Continue reading DENR, nagpadala ng survey vessel upang tumulong sa paghahanap sa lumubog na motor tanker sa Limay, Bataan