DENR chief, nagtungo na sa Limay, Bataan para inspeksyunin ang nangyaring oil spill

Personal na nagtungo ngayon sa Limay, Bataan si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga upang makapagsagawa ng inspeksyon sa nangyaring oil spill sa Lamao Point. Aalamin ng kalihim ang lawak ng pinsala sa kapaligiran ng pagtagas ng langis mula sa tumaob na motor tanker. Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)… Continue reading DENR chief, nagtungo na sa Limay, Bataan para inspeksyunin ang nangyaring oil spill

9 na suspek sa ‘vishing scam’ naaresto ng ACG sa kasagsagan ng bagyo

Hindi naging hadlang ang Bagyong Carina sa PNP Anti-Cybercrime Group para magsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkaaresto ng siyam na miyembro ng sindikato na sangkot sa “vishing scam” kagabi sa Cavite. Sa ulat ni ACG Acting Director Police Brig. General Ronnie Francis M. Cariaga, nagpatupad ang mga tauhan ng ACG Cyber Response Unit (CRU)… Continue reading 9 na suspek sa ‘vishing scam’ naaresto ng ACG sa kasagsagan ng bagyo

PBBM, inatasan ang DENR at DOST na i-assess ang sitwasyon ng oil spill mula sa lumubog na fuel tanker malapit sa Limay, Bataan

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng assessment kaugnay sa paglubog ng fuel tanker na may kargang 1,494 metriko tonelada ng langis malapit sa Limay, Bataan, kaninang ala- una ng madaling araw. Base sa ulat ng DOTr, tumagas na ang langis na dala dito.… Continue reading PBBM, inatasan ang DENR at DOST na i-assess ang sitwasyon ng oil spill mula sa lumubog na fuel tanker malapit sa Limay, Bataan

Iniwang patay ng sama ng panahon, sumampa na sa 14

Labing-apat na indibidwal ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Butchoy at Carina. Sa huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, walo dito ang kumpirmado, habang anim naman ang for validation pa. Sa nasabing bilang, lima ang mula sa CALABARZON, apat sa Region-9, tig-isa… Continue reading Iniwang patay ng sama ng panahon, sumampa na sa 14

3, napaulat na nasawi sa Rizal dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at epekto ng habagat

Kinumpirma ng Rizal Provincial Police Office na tatlo ang napaulat na nasawi sa kanilang nasasakupan matapos na makuryente sa kasagsagan ng mga pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinaigting pa ng bagyong Carina. Kinilala ni Rizal Provincial Police Director, PCol. Felipe Marraggun ang mga biktima na sina Alvin Bulatao, 2-taong gulang at taga-Brgy. Sto. Domingo,… Continue reading 3, napaulat na nasawi sa Rizal dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at epekto ng habagat

Higit 360k family food packs, naibaba na ng National Government sa mga LGU para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina

Nakahanda na sa DSWD Field Offices at available na para sa mga lokal na pamahalaan ang 360,228 family food packs para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina. Sa situation briefing na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga (July 25), sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na pinakamarami sa mga ito ay inilaan… Continue reading Higit 360k family food packs, naibaba na ng National Government sa mga LGU para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina

Mahigit 150 flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Inanunsyo ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kanselado pa rin ang nasa 148 biyahe ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula pa kahapon bunsod ng masamang lagay ng panahon. Subalit nadagdagan pa ito ng limang biyahe ngayong araw dahil naman sa masamang lagay ng panahon sa destinasyon. Kabilang sa mga nadagdag ay… Continue reading Mahigit 150 flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Pagiging ispesipiko ng datos sa mga sinalanta ng bagyong Carina para masiguro ang measured response ng gobyerno, ipinag-utos ni PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tanggapan ng pamahalaan at mga LGU na gawing gradual o isama ang mga ispesipikong datos kaugnay sa mga sinalanta ng bagyong Carina. Sa ganitong paraan ayon sa Pangulo, mas angkop na makatutugon ang pamahalaan, depende sa partikular na pangangailangan ng mga biktima ng bagyo, lalo’t magkakaiba… Continue reading Pagiging ispesipiko ng datos sa mga sinalanta ng bagyong Carina para masiguro ang measured response ng gobyerno, ipinag-utos ni PBBM

Mahigit 30,000 indibiduwal sa Marikina City, inilikas dahil sa masamang panahon

Tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang pagpapaabot ng tulong sa kanilang mga residenteng nabiktima ng pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulang dala ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Carina. Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, aabot sa mahigit 5,000 pamilya o katumbas ng mahigit 30,000 indibiduwal ang inilikas dahil sa mga… Continue reading Mahigit 30,000 indibiduwal sa Marikina City, inilikas dahil sa masamang panahon

Ilang kalsada sa Cainta sa Rizal, di pa rin madaanan dahil sa tubig baha

Nasa pitong lugar sa Cainta sa Rizal ang lubog pa rin sa baha matapos ang maghapong pag-ulan kahapon na dala ng hanging habagat na pinaigting pa ng bagyong Carina. Batay ito sa datos na ibinigay sa Radyo Pilipinas ng Cainta Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) as of 7am. Kabilang sa mga hindi… Continue reading Ilang kalsada sa Cainta sa Rizal, di pa rin madaanan dahil sa tubig baha